“Gia, magpakasal na din tayo after graduation mo. Okay lang ba sayo?" kabado pero matinding pag-iisip din ang ginawa ni Troy bago niya iyon binigkas at binitawan. Ilang araw din niya iyon pinag-iisipan matapos ang ilang buwan na pagsasama nila ni Gia. Simula ng makilala niya si Gia. Nang may mangyari sa kanila. Napag-isipan ni Troy na hindi naman ata tama ang set up ng relasyon nila. Kung tutuusin ay napakahirap din sa kanya na patago at hindi nila mailabas sa pamilya ni Gia ang tungkol sa kanilang relasyon. Mabigat din ito sa kanya. Gusto niya sana ay makasama na din si Gia after nito makapagtapos ng pag-aaral. Kung support lang ang nais ng pamilya ni Gia. Siya na ang bahala magbigay. Handa naman siyang suportohan si Gia, ang dalawa nitong kapatid kasama ang mga magulang nito. Mahal niy

