Isang napakaganda na naman na place ang napuntahan ni Gia dahil sa kaibigan niya. Inaya siya ni Romina na sumama sa kanya. Sumama naman siya. Katatapos lang ng duty niya sa coffee shop. Nang tumawag si Romina at nagyaya. Hindi nga sana siya sasama ng bigla nitong sambitin na naipagpaalam na siya sa Mama niya. Close si Romina at Mama niya dahil nabibigyan ito ni Romina ng panuhol. Madalas na magbigay si Romina ng regalo para sa Mama niya. Kaya naman ito tuwang-tuwa kay Romina kesa noon ng bago pa lang siya at hindi pa alam nito ang tungkol sa mga nakikita na mamahalin na gamit ni Gia na galing kay Romina. Nang makita iyon ng kanyang Ina. Nagalit ito sa kanya at sinabi ipagtatapon. Mas inuuna pa raw ni Gia ang luho kesa ang makatulong sa mga gastusin nila sa bahay o mag-aral ng mabuti. T

