“Alam mo ang gwapo ng boyfriend ni Gia. Hindi niyo pa ba nakita?" pinag-uusapan si Gia sa loob ng coffee shop. Papunta pa lang si Gia upang palitan ang kanyang kasama na patapos na ng kanyang oras. Mag time out na ito. Si Gia naman nagmamadali na tumatakbo papunta sa coffee shop. “Gia," ngumiti ang lalaking customer nila. “Late ka na!" “Hindi pa, mag in muna ako. Maupo ka muna mamaya lalapit ako sayo. Ayusin ko lang yung counter." ngiti ang sagot ni Gia. Tumakbo na siya papunta sa counter. “Bakit late ka?" “Hindi pa!" sagot niya sabay punch ng timecard niya ng mag time in siya. “Bakit ba lahat kayo nagsasabi na late ako?" singhal niya pero nakangiti ang mukha. Sumabay din siya sa pagtawa ng mga kasama niyang paalis na. Mga nakasukbit na ang bag ng kanyang dalawang kasama sa coffee

