“Buti naman po Ate nakauwi ka na, grabe sa lakas ang ulan. Buti hindi ka nabasa?" nakita ni Gwen na halos hindi man lang basa ang katawan ni Gia. Maging ang suot nito. Hindi man lang nabahiran ng tubig ulan. Ilang oras nga siya naghintay na tumila ang ulan. Buti nalang sinundo siya ni Troy. Hindi na siya sumama para kumain. Sinabi niya na uuwi na siya baka magalit na naman ang kanyang ina sa oras na ma-late siya ng uwi. Kahit umuulan pa iyan. Hindi niya maaaring gamiting excuse sa kanyang mama. “Oo nga. Nagpatila lang muna ako. Buti nalang tumila na din ng magpasya akong lumakad palabas ng classroom. Ikaw? Paano ka nakauwi? Hindi ka ba nabasa?" gaya niya nagpatila din muna si Gwen ng ulan. Umuwi nga lang ito ng basang-basa. Kung kelan kasi ay malapit na siya sa kanilang bahay. Saka nam

