Kahit na hindi pa gaanong sanay si Tiara na pinagtitinginan siya ng mga tao sa kanyang paligid ay pinilit niya ang kanyang sarili na sumabay lamang sa paglalakad ni Pietro at huwag nang isipin pa ang bulong-bulungan ng mga tao sa kanilang paligid. Inabala niya na lamang ang kanyang sarili sa pagtingin sa kabuoan ng unang palapag ng Backdoor club, isang normal na club lang ang ayos sa loob, may malaking stage sa gitna kung saan may mga lalaki at babaeng nag-e-strip show, ang mga lalaki ay nakasuot ng lab gown at may stethoscope na nakasabit sa kanilang leeg habang ang mga babae naman au nakasuot ng pang nurse na unipormi pero sobrang ikli ng saya kaya naman kita na ang kanilang suot na mga panty. Malakas ang tugtog ng erotikong musiko sa loob ng club at kanya-kanya ng trip ang mga tao rito.

