Agad na pumasok si Tiara sa kanyang kwarto matapos siyang ihatid ni Pietro sa kanyang tinutuluyang bahay, nagtalukbong siya ng kumot na nahiga sa kanyang kama. Hindi na siya nag-abala pang ayain si Pietro papasok sa kanyang bahay dahil sa kahihiyang naramdaman. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na naisuko na niya ang kanyang pagkabirhen. Oo, buong puso niyang ipinagkatiwala ito kay Pietro, hindi niya alam kung ano ang pumasok sa isip niya nang mga oras na iyon. Aaminin niyang may kakaiba siyang nararamdaman sa tuwing magkasama sila ni Pietro na hindi niya nararamdaman kapag kasama niya ang kanyang ex pero sapat na ba iyong dahilan para isuko rito ang kanyang katawan? Ano ba naman 'to, bakit wala siyang makapa kahit na kaunting pagsisisi man lang? Bakit hindi siya naghihina

