Maagang pumasok si Tiara sa kanyang trabaho, nagtaxi lamang siya papunta sa eskwelahan dahil sa hindi malamang dahilan ay ayaw mag start ng kanyang kotse, aminado naman siyang medyo may kalumaan na iyong kotse niya at tsaka second hand na rin niyang nabili ang kotse. Hindi niya naman mapaayos ang kanyang kotse dahil sa medyo kapos siya ngayon sa pera at sa susunod na linggo niya pa makukuha ang sweldo para sa buwang ito. Pagkapasok niya sa faculty ay iilan pa lang ang instructor na naroon, iyong mga may maaga lang na klase. Inilapag niya ang dalang bag at cellphone sa kanyang mesa ngunit hindi pa man niya nailalapag ang kanyang cellphone ng bigla itong mag vibrate. Agad niyang binuksan ang kanyang cellphone at may isang message siyang natanggap. Kunot noo niyang binuksan ang natanggap na

