“Sir, nandito na po si Miss Tiara.” Sambit ni Jason, hindi niya makita ang nasa loob ng kwarto dahil nakapwesto siya sa may bandang gilid. Muling isinara ni Jason ang pintuan pagkatapos ay humarap sa kanya. “Pasok na po kayo ma’am.” Utos nito sa kanya at hindi na hinintay pa ang tugon niya, tumalikod na ito at mabilis na naglakad. Nakatangang humarap siya sa may pintuan, hindi alam ang gagawin, kung kakatok pa ba siya o diretso nang papasok. Isa pa ay kinakabahan na naman siya sa hindi maipaliwanag na dahilan, ilang beses na niyang inihanda ang kanyang sarili sa mga ganitong tagpo pero hindi niya maiwasang pangunahan ng kaba kasabay nang panginginig ng kanyang mga tuhod. Humugot siya ng isang napakalalim na hininga at marahang kinatok ang pintuan bago iyon binuksan at sumilip sa loob, na

