Kinabukasan ay maagang nagising si Tiara, mamayang hapon pa naman sila magkikita ni Pietro pero sinadya niya talagang magising ng maaga dahil sa naisip niya kagabi, ang ‘Oplan: Know What You’re About To Get Into’. Hindi naman siya totally clueless sa offer ni Pietro sa kanya, kahit papaano ay may ideya siya dahil ang kanyang kapatid noon ay mahilig magbasa ng mga libro at manood ng mga pelikula na may temang b**m. Nang una, tingin niya talaga sa kanyang kapatid ay sobrang weird nito, tinataasan niya lang ito ng kilay kapag nakikita na sobrang tutok ito sa binabasa, isa sa hindi niya makakalimutan talaga ay nang yayain siya ng kanyang kapatid na manood ng pelikula, ang akala niya ay normal na pelikula lang ang pinapanood nila pero nanlaki ang kanyang mata nang biglang naging marahas ang lal

