Kabanata 13

1681 Words

Nang magising si Tiara ay ang mukha ni Pietro ang agad niyang nabungaran, tila malalim itong nag-iisip kaya hindi nito namalayang gising na siya. Habang tinititigan ang gwapong mukha nito ay hindi niya mapigilang hindi pamulahan ng pisngi, lalo nang maalala niya ang kanyang naging panaginip. Napanaginipan niya si Pietro na pinagpipiyestahan ang kanyang katawan, napanaginipan niya itong inaangkin siya sa ikatlong pagkakataon. Napailing iling na lamang siya at inalis sa isipan ang napanaginipan, namalayan niya ang sariling nakayakap at nakadantay kay Pietro, akmang tatanggalin na niya ang kanyang paa sa bewang ni Pietro nang masagi nito ang isang matigas na bagay. Nanlaki ang kanyang mata nang mapagtanto kung ano ang bagay na iyon, mabilis pa sa alas kwatrong napabalikwas siya ng bangon.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD