Hindi mapigilan ni Pietro ang mapalundag nang marinig ang desisyon ni Tiara. Hindi na siya makapaghintay pa na magkita sila bukas, gusto niyang ikwento kay Tiara lahat ng dapat nitong malaman. Dreamy siyang napahiga sa kama, hindi man niya aminin ay alam niyang sa kaibuturan ng puso niya ay matagal na siyang nananabik na makabalik sa nakasanayang lifestyle, ang pagdodomina sa mga babae. Ngunit may parte rin sa isip niya na medyo kinakabahan dahil sa ilang taon na nga magmula nang iwan niya ang makamundong pamumuhay na iyon, hindi niya alam kong kaya niya pang maging dominante. Sa nakalipas na ilang taon ay puro na lamang casual s*x ang nakasanayan niya. Makalipas ang ilang sandaling pagmumuni-muni ay bigla niyang naisipan na tawagan si Ana, ang kanyang dating submissive. Ilang ring din a

