HELENA
Maaga pa lang bumangon na ako. Ito ang unang araw ng appointment ko sa Milano empire.
Pagpasok pa lang ng building ay nakita na kung gaano ito kalaki at medyo madami na agad employees na pumapasok.
"Miss may appointment po ako kay Mr. Radisson Milano." tinignan ako ng receptionist at may tinawagan sa phone. "Mam pakiintay nalang po iconfirm ko lang po sa secretary ang appointment nyo. May I know your name and purpose please?" magalang naman ang pagkakasabi ng mukhang bagong graduate palang na receptionist kaya di pa sya judgemental.
"Pakisabi si Helena Salvador from Manila tribune. Ako yung pinadala na publicist to cover Mr. Milano." Sagot ko ng nakangiti sa kanya.
"Okay mam pwede po ba makakuha ng ID para po mabigyan ko kayo ng visitor's pass at makikipirma nalang po sa logbook." Inabot ko sa kanya ang ID ko sa company namin at pumirma na sa logbook nila.
"Anong floor Miss?" tanong ko.
"Mam sa 25th floor po ang office." magalang niya namang sagot sa akin.
"Thank you." sabay talikod at punta sa elevator.
Narating ko na ang 25th floor. Paglabas ko pa lang ay natanaw ko na ang lamesa ng secretary. Nung nakita ako ng lalaking secretary ay tumayo na ito at sinalubong na ako at inabot ang kamay ko para makipagkamay.
"Welcome Miss Salvador!" nakangiting bati sa akin ng secretary.
"I'm Joseph Mendoza. Mr. Radisson Milano's Executive assistant. He's expecting you're arrival." pagpapakilala sa akin at sabay binitawan nya na ang kamay ko habang tumango ako at nakangiti sa kanya. Naglakad na sya sa may pintuan ng opisina ni Mr. Milano kinatok nya ito ng 3 beses at tsaka binuksan. Inaro nya ang kamay nya na maari na akong pumasok.
Pagpasok ko ay nakatayo na din si Mr. Milano at naglakad papalapit sa akin at nilahad nya ang kamay nya upang makipagkamay.
"Good morning Ms. Salvador!" nakangiti nyang bati sa akin. Namangha naman ako mula sa baba ay maganda na ang pagbati sa akin. Napangiti ako nung inabot ko ang kamay nya.
"Good morning Mr. Milano!" pagbati ko sa kanya habang hawak nya pa ang aking kamay. Di nya pa binitawan agad ang kamay kaya ako na ang humila sa kamay ko ng marahan para naman di halata na ayaw ko na nahahawakan ako.
"You are too formal Ms. Salvador you can call me Rad. Mr. Milano is my father." ngiting ngiti pa din syang nakatingin sa akin.
"Well RAD (may diin) you can call me Helena para din casual lang ang tawagan natin kung ayaw mong masyadong formal." medyo iritable na ako kasi titig na titig pa din sya sa akin.
Napatikhim sya bago ulit magsalita. "Well how should we do this?" tanong nya agad sa akin. "Sorry let's have a seat first." paghingi nya ng paumanhin bago kami naupo sa couch na para talaga sa mga bumibisita sa kanya sa office. Maya maya ay kumatok ang secretary na may dala ng 2 kape para sa amin.
"Rad is it? I will be asking some questions from time to time because most of the time I will be observing you. It is mostly a behavioural observation on how you work. Please don't mind me. Continue working as if I am not here." I explained while looking at him at tila interesado talaga siya sa aking mga pinagsasabi.
"Hmmm?" yan lang ang sinagot nya na parang nag iisip habang nakangiting nakatitig sa akin.
"Any questions?" di ko pa din inaalis ang titig sa kanya. Sanay na ako makipagtitigan sa kahit na sino kaya di ako naiilang. "Helena di naman kaya ako matunaw sa titig mo sa akin?" he chuckled and smirked still looking in my eyes.
"Rad not to be rude I can stare at you for hours and I don't mind you doing the same thing. Hindi ako katulad ng ibang babae na makukuha mo sa charm." matigas kong tugon sa malanding lalaki na kaharap ko ngayon.
Medyo nagbaba sya ng tingin bago sumagot. "So are you telling me that I am charming?" sabay titig ulit sa mga mata ko.
"Ganito nalang Rad magtrabaho ka na para may maisulat na ako. Medyo mahina ka ata sa comprehension. Ang charm na sinasabi ko is in general sense and not my opinion. Get it?" medyo iritable kong sagot sa kanya.
"Hot headed Helena! Easy!" ngingiti ngiti na nakataas ang kamay na parang sumusuko. Tumayo na sya at pupunta na dapat sa lamesa nya ng bigla na namang imik. "I have prepared a table for you." sabay turo sa table na medyo malapit sa lamesa nya.
"Don't fall in love with me my dear Helena." kala ko tapos na di pa din pala. Conceited din itong ungas na ito eh.
"Wag kang mag alala marami na kayong nagsabi nyan sa akin hanggang ngayon di pa din ako nalaglag. Professional ako. I don't mix business and pleasure." habang nakatitig sa kanya na pinaparamdam sa kanya na wala syang effect sa pagkatao ko. Truth to be told wala talagang effect.
****
RAD
Umatras na ako sa usapan namin. Nagtaas na ako ng kamay sabay umupo na ako sa lamesa ko para magtrabaho na. Medyo naiilang ako kasi di naman ako sanay na may nag oobserba sa akin habang nagtatrabaho.
Di ko naman maalis sa sarili na sulyap sulyapan sya. Morena siya na medyo medium built. Mukha syang nagwowork out di para magpasexy kundi para magpalakas. Ngayon lang ako nakaencounter ng babae na di man lang natinag sa titig ko. Mukha talagang palaban ang babaeng ito.
"Helena!" tinawag ko na sya para makuha ang attention nya mula sa laptop nya.
"Ow?" maikli nyang sagot at tumingin sa akin.
"Di ka ba nasabihan na magcorporate attire ka?" tanong ko sa kanya.
Di pa napuputol ang titig nya sa akin bago sumagot at medyo kumunot ang noo.
"Ganito lang ito Rad. Di ako nagcocorporate attire. Di ako komportable. Alam yan ng ama mo."
Para akong nakikipag usap sa lalaki. Medyo natatawa na ako sa sarili ko kasi parang meron syang gayuma na nakakahalina kasi sa rugged nyang porma. Sino ba mag eexpect na pupunta sya sa corporate office na nakacargo pants at tshirt na itim na merong nakaguhit na pusa. Nakarubber shoes sya na parang lumang luma pa. Mahaba ang buhok nyang may mga highlights na silver at medyo wavy ang buhok na makintab naman.
"Wala ka bang suklay?" tanong ko sa kanya.
" Di uso. Wag kang mag alala marunong akong maligo." pagsagot sabay balik sa laptop nya.