bc

HELENA SALVADOR: RUGGED JOURNALIST

book_age18+
40
FOLLOW
1K
READ
family
heir/heiress
journalists
no-couple
icy
female lead
office/work place
coming of age
feminism
stubborn
like
intro-logo
Blurb

Si Helena ay isang matapang na investigatory journalist. May nabunggo syang mayamang businessman na ikinapunta nya sa pagiging business & liesure writer na lang. Siya ang pinadadala ngayon sa mga businessman para gawan sila ng article or biography. Sa huli niyang project di niya akalain na makikita niya muli ang unang at kaisa isang taong muntikan niya ng mahalin ng lubusan. Magkakaroon kaya sila ng love connection?

chap-preview
Free preview
1
HELENA Maingay, magulo, aligaga ang lahat sa paligid ko. Ayaw ko na munang gumalaw. Nakakapagod gawin ang mga bagay na di ko naman gusto. Kelan kaya ito matatapos? Gusto ko ng bumalik sa dati ang trabaho ko. "Helena!" may naulinigan akong tumatawag nilingon ko iyon. Si Jen na naman. Itinaas ko ang kamay ko na nagsasabing paintay lang. Tumayo na ako papalapit sa kanya. "Oh! Bakit na naman ako pinapatawag?" tanong ko habang nakakunot ang noo nung nakalapit na sa kanya. "Kayo na mag usap ni mam! Di nya naman kasi sinabi bakit." tugon niya bago umupo na sya sa kanyang upuan sa likod ng kanyang mesa. Kumatok muna ako ng dalawang beses bago pumasok ng tuluyan. Nakayuko pa si Aira nung pagpasok ko at may binabasa. "Aira bakit mo ako pinatawag?" masigasig kong bungad sa kanya. Nag-angat siya ng ulo at masayang tumayo. "New project Hel! Bagong CEO ikaw ang nirequest ni Mr. Milano para gawan ng business biography or profile ang anak nyang sumalo na sa negosyo nila." masayang tugon sa aking ni Aira na tila kitang kita ang pagkaenganyo sa mukha. "Wew. Bakit ako na naman?" inis kong sambit habang ginulo ko ang sarili kong buhok. "Hel alam mo naman na di ka makakabalik sa dati mong trabaho pag di mo tinanggap itong project na ito." tila may iritasyon sa kaniyang boses at may pag-irap na sabi nya sakin. "Isang taon na ako sa business and liesure at naiimbyerna na ako sa pagsunod at pakikipag-usap sa mga businessman di bale sana kung ung mga matatandang tycoon eh." Tinitigan ako ni Aira sabay buntong hininga. "Hel ikaw lang naman kasi ang inde kayang bolahin ng mga binatang CEO, COO at bagong business tycoons." tila bigla niyang paghinahon na pagpapahayag sa akin at inilagay ang dalawang kamay sa magkabila kong balikat at ngiting ngiti na may halong pang aasar. "Aira itetrain ko nalang ang mga pwedeng sumunod sunod sa mga lady's man na playboy o kaya kumuha nalang kayo ng lalaking pwedeng gumawa." inis kong sagot kay Aira na tila di pa din ako kumbinsido sa mga sinabi niya. Hindi pa din niya binibitawan ang mga balikat ko at matamang tumitig sa akin. "Hel ganito yun naalala mo na may nakipagsuntukan tayong tauhan sa isang COO dahil lang natignan ang jowa ng COO na yun at inusisa?" Napabuntong hininga ako ng malalim. Oo nga pala seloso ang mga kabataang Tycoons ang biglang sumagi sa aking isipan. "Geh na nga kung wala lang akong atraso. Pero Ai sana last na ito ha. Halos simot ko na ang mga businessmen dito sa kalakhang Maynila. Isang linggo lang naman yan." tila talo na ako sa laban na ito at sabay ngiti ko na binubuhay ko ang sarili kong determinasyon para lang matanggap ko ang pinapagawa sa akin. Tinignan ako ni Aira na may halong pag aaalala. "Bakit ganyan ka makatingin?" tanong ko sa nakakalokong tingin nya sa akin. Sabay pitik ko sa noo nya para magising sya. "Hel one month mo siyang oobserbahan." sabay talikod at tapik sa balikat ko. "ANO?! Bakit naman isang buwan?" galit kong sagot kasi halos lahat ng ginawan ko ng profile 1 week ko lang yun inobserbahan. "Tanda mo ba yung bunsong anak ni Mr. Milano? Yung blacksheep nilang anak?" Nag-isip muna ako habang nakatingin kay Aira. "Oh bakit sya ba pinamahala sa business ngayon?" naalala ko na ang sinasabi ni Aira. "Oo Hel gusto ni Mr. Milano madocument lahat ng kilos nya hanggang isang buwan. Di ka na pwede tumanggi baka masingil ka pa ng mga boss natin sa ginastos nila sa kaso mo." parang sa sinabi niya ay bigla na naman bumalik ang hindi magandang alaala na nangyari sa akin isang taon na nakaraan kaya medyo napikon ako sa huling sinabi ni Aira. "Ano yan tinatakot nyo ba ako?" galit kong sabi at masama na ang tingin ko kay Aira. "Hel pasensya na. Sila ang nagpasabi nyan sa akin." sabay taas kamay na tila nagpapahiwatig na hindi siya ang dapat kong pagbuntunan ng galit. Alam nya kasi once magalit ako magreresign ako kaso magkakakaso na naman ako. Matagal ko ng kaibigan si Aira. Senior ko sya pero naging close kami since lagi kaming nagkakasama sa mga seminars. "Hel last na ito promise." sabay taas ng kanang kamay at nagkrus pa sa kanyang dibdib. "Geh pakisend nalang sa akin ang detalye sa email ko." "No need." sabay abot sa akin ng papel na hawak nya kanina pa. 'Radisson Milano'

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAKE ME PREGNANT (TAGALOG R18+ STORY)

read
1.9M
bc

The Cold-hearted Beast -SPG-

read
57.2K
bc

The Ex-wife

read
232.3K
bc

KIDNAPPED BY THE HOT UNCLE

read
53.9K
bc

The Ruthless Billionaire. Hanz Andrew Dux

read
78.1K
bc

Hate You But I love You

read
63.1K
bc

NINANG PATRIZ (SPG)

read
24.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook