Chapter 19

2080 Words
Stacy POV Bumagabag sa loob ko ang nalaman ko mula kay Kevin. Hindi dapat ako nag-aaksaya ng oras pero kailangan ko din pag-isipan ang dapat kong gawin. Kailangan kong bumalik sa katinuan ko ito na ang mahirap na gagawin ko sa tanan ng buhay ko. "Sigurado kaba sa gagawin mo Nadine?" tanong ni Kevin sa akin habang kumakain kami sa isang restaurant hindi kalayuan 'di kalayuan sa company building na pinatayo ko. "Saglit lang naman ako doon Kevin, isipin mo na lang na bumisita lang ako sa companya ng kalaban." nagbuntong hininga siya habang hinihilot ang sentido nito. Alam ko na nag-aalala siya sa pwedeng mangyari sa akin doon. Napag-alaman ko din kasi na doon nag tratrabaho ang dalawang gumahasa sa akin. "Kailangan kung mag umpisa sa isa Kevin. Ayoko ng matakot sinabi mo nga sa akin na kailangan kong labanan yung takot ko para mabigyan ako ng hustisya." hindi pa rin mawala ang pangamba sa mga mata nito kahit na nakangiti pa ito sa labas. "Hindi ko maiwasan na mag-alala sayo, hindi kita masasamahan dahil pagkatapos ng meeting ko mamaya aalis na ako papuntang, Macao. Kung pwede ko nga lang icancel ang meeting ko sa Macao pero malaki ang mawawala sa atin pag hindi ako sumipot." sinamaan ko siya ng tingin. "Wag mo na kasi akong isipin kaya ko naman ang sarili ko. Isasama ko naman si Denver kaya wala kang dapat ikabahala." hinampas ko ang balikat niya na ikina-aray naman nito. "Napaka oa mo talaga 'no? Kung hindi mo lang sinabi sa akin na may nagugustuhan ka iisipin ko na inlove na inlove ka sa akin." biro ko sa kanya na ikinatahimik namn nito. "Ohh bat' ka natahimik?" tanong ko sa kanya, sumubo ako ng steak na siya mismo ang humiwa. Masasabi ko lang kay Kevin napaka maginoo nito, hindi niya ako hinahayaan na mahirapan sa lahat ng bagay. Ako na siguro ang pinakamaswerteng babae dahil may isang lalaki na tumutulong sa akin sa kabila bg madilim kong nakaraan. Yung ibang tao siguro ay pandidirihan lang ako sa oras na malaman nila ang nangyari sa akin. "Wala kumain kana lang dyan, ihahatid kita sa Santiago Corp." napakunot naman ang noo ko sa tinuran niya. Hindi kasi ito ang tipo ng lalaki na iibahin yung usapan, nagkibit balikat na lang ako. 'Baka may problema lang siya sa lovelife.' Hindi din kami nagtagal sa restuarant dahil kailangan ng umalis ni Kevin. Biglaan daw kasing napaaga ang meeting nila. "Sorry talaga Nadine, babawi ako pagbalik ko bukas." papalabas na kami ngayon ng resturant at ito nga humihingi siga ng pasensya dahil sinabihan pa niya ako na ihahatid ako sa Santiago corp. "Sabing ok lang ehh papunta na din naman si Denver kaya umalis kana." winasiwas ko pa ang kamay ko senyas na umalis na ito pero ang loko ngumuso pa sa harapan ko. Nagawa pang mag pacute eh malalate na siya sa meeting niya. "Pinagtatabuyan mo na ako ahh nasasaktan mo ang feelings ko huhuhuhu." humawak siya sa dibdib niya at umarte itong matutumba. Napailing na lang ako sa pagiging isip-bata niya. Minsan kasi nagiging ganito siya sa tuwing tinataboy ko o hindi ako kakain dahil wala akong gana. "Matagal ko na talaga tong sabihin sayo eh pero hindi ko magawa pero ito na sasabihin ko na," tumikhim muna ako bago ko siya tinaasan ng kilay. "Ang pangit mong magpacute." pagkasabing pagkasabi ko nun ay naglakad na ako papaalis. Narinig ko naman na may nag ring at sinagot iyon ni Kevin. "Yes pasabi hintayin ako with in 5 minutes on the way na ako... ok bye." rinig kong sabi nito. "Hey aalis na ako,  you take care. ok?" humalik pa ito sa noo ko bago kumaway na sumakay sa kotse niya. "Loko-loko talaga." umiiling akong nakatingin sa papalayong kotse ni Kevin. Ni hindi man lang ako pinagsalita ng loko. Kinuha ko na lang ang cellphone ko at nag message ako sa kanya. To. Kevin I'll be ok, so don't worry. By the way pasalubong ko ah pag wala akong pasalubong galing Macao wag na wag kabg uuwi sa bahay. Nang maipadala na ang mensahe sakto naman na dumating si Denver. Siya ang bodyguard ko pero hindi ko siya masyadong sinasama sa akin dahil hindi ako comportable na may nakatingin sa amin. Paano ba naman kahit sino atang babae mahuhulog sa lalaking to eh. Napakagwapo at makisig kahit sa malayo malalaman mo na na malakas ang karisma nito mapababae man o binabae. "Let's  go madame." pinagbuksan niya ako ng pintuan sa backseat. "Salamat." anang ko bago sumakay sa kotse. Sinabi ko din sa kanya kung saan kami pupunta na ikinatigil pa nito ng ilang minuto. "Sigurado po ba kayo madame?" maski siya ay nag-aalala sa tingin pa lang nito. Alam din kasi niya ang trahedya na nangyari sa akin kaya siya pumayag na maging bodyguard ko. "Yes sigurado ako, I'll take a nap gisingin mo na lang ako pag nandoon na tayo." Lately kasi hindi ako makatulog ng maayos dahil sa mga bangungot, hindi ko na din siya nakitang tumango dahil kusang pumikit ang mga mata ko. NAGISING ako sa mahihinang tapik sa balikat ko. Pagmulat ng mga mata ko ay mukha ni Denver ang una kong nakita. "Where here madame." magalang niyang sabi sa akin napatingin naman ako sa ligod nito. "Sige mag-aayos na muna ako." tumango naman siya bago isara ang pintuan ng backseat na kinalalagyan ko. Nagretouch lang ako dahil halatang kakagaling ko lang sa tulog nang makita kong ok na ay bumaba na ako ng kotse. "Stay here Denver I'll be quick." hindi ko na siya hinayaan pang sumagot dahil agad akong pumasok sa building. Nagtungo ako agad ako sa elevator papuntang fifth floor kung saan nandoon ang office ni Laurence. Nang makadating ako doon ay nagtungo ako sa desk ng secretary niya. "Good afternoon ma'am may I help you?" nakangiti niyang tanong sa akin. "Nandito ako para makita si Laurence Santiago." anang ko. "May appointment po ba kayo ma'am?" "Wala pero kilala niya ako, I'm Nadine Albro." pagpapakilala ko. Halata naman ang gulat sa mga mata niya ng sabihin ko ang pangalan ko. "Oh my godd! Your Nadine Albro?" tumayo ito sa pagkakaupo at nilahad ang kamay niya. "I'm Daisy Bautista, it's pleasure to finally meet you Mrs. Albro... I'm a fan." Natawa naman ako sa huli nitong sinabi bago ko tinanggap ang nakalahad niyang kamay. "Nice to meet you too, Daisy.  So pwede ko na bang puntahan si Laurence?" "Nasa board meeting pa po siya Mrs. Albro but if you want you can seat at the waiting area." itinuro nito ang kaliwang bahagi ng pasilyo at doon may set sofa ang nandoon. "Ok thank you Daisy I'll go there." tukoy ko sa set sofa, tumango na din naman ito kaya tinungo ko na ang sofa na nandoon. Napabuntong hininga ako hindi ko alam kung anong mangyayari ngayong araw pero sana sa gagawin kong ito may mapala sana ako. Ilang minuto pa akong naghintay ng marinig ko ang boses ni Laurence na nakikipag-usap sa secretarya nito. "Mrs. Albro have been waiting for you, sir." anang ni Daisy. "Thank you, Daisy.  I'll take care of this." ipinikit ko ang mga mata ko ng marinig ko ang yabag ng sapatos patungo sa gawi ko. Pinapakalma ko ang sarili ko dahil sa takot at mabilis na pagtibok ng puso ko. Nakarinig ako ng tikhim kaya iminulat ko ang mga mata ko pero ganon na lang ang gulat ko na sobrang lapit ng mukha niha sa mukha ko. Napasandal tuloy ako sa kinauupuan ko. "A-anong ginagawa mo?" gusto kong hampasin ang sarili ko dahil nautal pa ako. Bakit ba hindi ko naramdaman na nasa harapan ko na pala siya. "Hinihintay mo daw ako," tumayo na ito ng tuwid kaya naman nakahinga ako ng maluwag. Aatakihin ata ako sa puso ng dahil sa lalaking to! "May pabor lang akong gusto kong gawin mo." tumingin ako sa buong paligid at may mga ibang taong napapatingin sa gawin namin. "I suggest na sa loob tayo ng opisina mo—" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng hinila niya ang kamay ko papasok sa opisina nito. Walang ano-ano na pinandig niya ako sa nakasarang pintuan. Nakatiim baga ito habang nakatingin ng malagkit sa leeg ko pababa sa dibdib ko. Nakasuot ako ng blouse na hapit na hapit sa katawan ko at mapapansin talaga ang malalaking kayamanan ko. Nag cross arm ako para matakpan ang dibdib ko na hindi na ata maalis ni Laurence ang tingin doon. "Why are you here?" paos nitong pagkakasabi na nagbigay ng kiliti sa buong katawan ko. "I told you already, may pabor ako kaya please lang tama na yang pagiging manyak mo. At wala kang magagawa dahil kailangan mong gawin ang pabor na gusto ko kapalit ng paghalik mo sa akin nung nakaraang linggo." tinulak ko siya pero hindi man lang siya gumalaw para makaalis ako ngayon sa pwesto ko. "Pag ginawa ko ba yung pabor na gusto mo iiwan mo na ba ang asawa mo?" hindi ako makapaniwalang nakatingin sa kanya. "Ano? Nahihibang kana ba? Hindi ko iiwan ang asawa ko dahil lang ginawa mo yung pabor na gusto ko—" natigilan ako sa pagsasalita ng makita ko kung paano niya kinagat ang pang-ibabang labi nito. Nanuyo ang lalamunan ko dahil sa paraan ng pagkagat niya sa labi nito idagdag mo pa ng dilaan niya ang saliri nitong labi. "Hanggang titig kana lang ba? Hindi mo ba ako hahalikan?" napalunok ako ng wala sa oras dahil sa paos na paos nitong boses na nagbibigay sa akin ng kiliti na matagal ko ng hindi naramdaman. "Bakit naman kita hahalikan aber?!" umiwas ako ng tingin sa mga labi niya at tinignan ko ito sa mga mata pero mali ang ginawa ko. Kitang-kita ko ang pagnanasa sa mga mata niya dahilan para bumigat ang paghinga ko. Aaminin ko apektadong-apektado ako sa nangyayari ngayon. May nag uudyok isang bahagi ng utak ko na halikan siya pero mag isang bahagi din naman na sinasabing kailangan ko siyang itulak at umalis na. "Bakit? Dahil kita ko sa mga mata mo na gusto mo akong halikan." naramdaman ko ang kamay nito na humawak sa bewang ko pinisil niya iyon habang ang hintuturo niya ang gumagawa ng maliliit na bilog sa bewang ko na naghahatid sa akin ng kiliti pababa sa p********e ko. "A-anong ginagawa mo!" hinawakan ko ang braso niya para patigilin ito sa ginagawa niya sa bewang ko. Lumapit naman ang bibig nito sa tenga ko. "Gusto kitang angkinin dito sa opisina ko Stacy." bumaba ang pagkakahawak niya sa bewang ko papunta sa pang-upo ko hinimas himas niya yun, pinalo at pinisil. Hindi ko siya magawang pigilan dahil nagugustuhan ko ang ginagawa niya. Naramdaman ko din ang dila niya na binabasa ang tenga ko. "L-laurence." nahihirapan kong sabi. "Hmm." tungon niya inumpisahan niyang halikan ang leeg ko, ipinasok na din niya ang isa niyang kamay sa loob ng blouse ko at doon niya nilamas ang dibdib ko. Nawalan na ako sa katinuan dahil sa sarap ng ginagawa niya sa buong katawan ko. Nakalimutan ko na din ang pakay ko na dapat yun ang inaasikaso ko. Pero mukhang malabong gawin ko ang pakay ko ngayon dahil sa lalaking hinahalikan ko na. Marahas ang bawat pagtungon namin sa halikan namin. Nakapulupot na ngayon ang braso ko sa leeg nito. Binuhat niya ako patungo sa lamesa niya doon mas lumalim ang paghahalikan namin. Humihiwalay lang kami sa tuwing mawawalan na kami ng hininga. "Hmm Stacyy." ungol niya ng kagatin ko ang pag-ibaba nitong labi. Isa-isa na niyang tinatanggal ang botones ng blouse ko nang may kumatok sa pintuan dahilan para matigilan kami. "Sir nandito na po si Mr. Salazar." rinig kong sabi ni Daisy. Nagkatinginan pa kami ni Laurence bago ko ito tinulak papalayo. "Puntahan mo na siya." sabi ko, bumaba ako sa pagkakaupo ko sa lamesa niya bago tinungo ang banyo. Napatingin ako sa itsura ko nakabukas na blouse na nalihis pa pataas. Nabura din ang lipstick ko, magulo din ang buhok ko na kanina ay maayos. Halatang may ginawa kaming kababalaghan. Nasabunot ko ang sarili ko dahil sa nangyari. Ngayon lang bumalik sa katinuan ang sarili ko! Nag mamadali kong inayos ang sarili ko at ng makita kong disente na akong tignan ay nagmamadali din akong umalis. Tinawag pa ako ni Daisy pero hindi na ako tumigil. Baka maabutan pa ako ni Laurence at baka kung saan pa humantong yun kung nanatili pa akong nandoon. 'Nababaliw na naman ako sa kanya! Kailangan ko na talaga siyang iwasan.' Pero ang tanong kaya ko ba?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD