bc

One More Night (COMPLETED)

book_age18+
8.3K
FOLLOW
29.6K
READ
love-triangle
sex
badgirl
bitch
drama
tragedy
sweet
mxb
first love
seductive
like
intro-logo
Blurb

Stacy Montenegro a powerful girl who wants to be Mrs. Stacy Santiago. Pero paano niya yun magagawa kung ang isang Laurence Santiago ay may girlfriend na. Hindi lang basta-basta girlfriend isang bitchy girlfriend na nagbabait-baitan lang sa harapan ng ibang tao.

Ano na lang ang gagawin ng isang Stacy Montenegro para makuha ang lalaking pinapangarap niya? May happy ending kaya sa buhay lovelife niya o habang buhay na lang niyang hahabulin ang isang Laurence Santiago.

chap-preview
Free preview
Prologue
Stacy POV "My gosh Stacy! Are you crazy huh? May girlfriend na yung tao oh tapos guguluhin mo pa." I rolled my beautiful eyes at her. "I don't care Nathalie, I get want I want... Remember that." I will be Mrs. Stacy Santiago just wait and see. Lahat ng gusto ko nakukuha ko at makukuha din ang lalaking pinapangarap ko. "You know what? ewan ko sayo Stacy ilang beses kana ngang sinabihan na tigilan siya pero ayan ka pa rin, nagkakandarapa sa iisang lalaki. Give up Stacy mahal na mahal talaga niya si Nicole at kahit ibukaka mo pa sa harapan niya yang bulaklak mo. Hinding-hindi niya yan pag-aaksayahan tignan." I glare at her. "How dare you! Madaming nagkakandarapa sa akin at gustong makipagsex sa akin. Kaya alam ko na mapapasa-akin din siya maghintay ka lang." minsan naiinis na ako dito sa bestfriend ko iniisip ko nga kung bakit ko ba to naging kaibigan eh. Imbis na suportahan ako puro reklamo ang alam. "Ohh come on Stacy wag mo nang lokohin yung sarili mo... Yes a lot of men drolling over you but not Laurence Santigao at kailan pa dadating yang sinasabi mo? Pagpumuti na ba ang uwak? Patawa ka Stacy." sinupalpalan ko siya ng fruit salad ng matahimik. Dami-daming sinasabi naririndi na ako. "Shut up! I don't what to hear anything from you!" galit kong sabi sa kanya. Kahit pa anong sabihin nito I will do anything to make him mine! Kahit pa ibura ko sa mundo yang babaeng kinahuhumalingan niya ngayon, wala akong pakealam! "Wtf?! I can't believe you Stacy... Look at my face! Grr ang lagkit!" inirapan ko lang siya nababagay lang sa kanya yan kulang pa nga yan dahil sa sinabi niya. "Bagay lang sayo yan and please... Tigil-tigilan mo ako sa mga pinagsasabi mo dahil hindi ako makikinig sayo! Umalis kana nga nakakasira ka ng araw!" "Isa kang ingrata! Palibhasa hindi ka mahal ng taong mahal mo! Dyan kana nga maghihilamos lang akong babaita ka! Pasalamat ka at kaibigan kita dahil kung hindi masasampal talaga kita ng wala sa oras dahil sa ginawa mo sa akin." inirapan ko lang siya as if naman magpapasampal ako. "Dami mong satsat umalis kana at bilisan mo ayoko ng naghihintay." inirapan niya lang ako at nagmamadali na siyang pumunta sa cr malapit dito sa cafeteria. Lahat ng tao dito sa University ang tingin sa akin isang desperadang babae na gustong mang-agaw ng taong may girlfriend na. Pero wala akong pakealam sa kanila, hindi nila ako kilala para sabihan ako ng kung ano-ano. Mas kilala ko ang sarili ko at yun ang mahalaga sa akin ngayon. Desperada na kung desperada hindi naman sila ang hinahabol ko. Nakakainis lang dahil iisang lalaki na nga lang ang minahal ko pero iba pa ang mahal. Bat ba ang unfair ng tao? People always say that the world is unfair but no! hindi ang mundo ang nagiging unfair kundi ang tao. Nasasabi lang nilang unfair ang mundo dahil wala silang mapagbuntunan ng mga problema nila pero ang totoo tayong mga tao ang nagiging unfair. At sa kamalas-kamalasan ko yung lalaking pinapangarap ko may ibang mahal! Akala nila nilalandi ko lang si Laurence kasi may girlfriend at may thrill but no, I'm doing this because I'm badly in love with him for pete's sake. I'm busy scrolling at my ig acc when I fell a liquid flowing to my head down to my uniform! "Opss may tao pala, pasensya kana Stacy ah hindi ko naman alam na may tao eh. Akala ko nga basurahan." nagtawanan pa sila sa likod ko. Tumayo ako at humarap sa kanila. Tinitigan ko si Nicole na nakangisi sa akin "Don't be sorry Nicole alam naman nating dalawa na plastic ka, ngayon pa nga lang nasusunog kana at nangangamoy yang baho mo. Kahit siguro anong ligo ang gawin mo hindi matatanggal yang baho mo." nawala ang ngisi niya sa labi. Ako pa kakalabanin mo huh? Well hindi ako magpapatalo kahit na boyfriend mo parin si Laurence. "Anong sabi mo?!"galit nitong sabi at akmang sasampalin ako pero nasangga ko yun. "Hindi ko alam na bingi kana din pala ngayon, sorry ah hindi ko na kasi uulitin yung mga sinabi ko kanina. Nagsasayang kasi ako ng laway at oras sayo." hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa braso niya ibinaon ko din ang mahahabang kuko ko sa kanya  sinisigurado ko na magkakasugat siya dahil sa kuko ko. "Ouch! Walanghiya ka talagang babae ka! Wala naman akong ginagawa sayong masama ahh. Nagsorry na ako diba?! Hindi ko naman sinasadyang tapunan ka ng juice ko!" Nagtatakang nakatingin ako sa kanya. Ano bang pinagsasabi nitong babaeng to? Nababaliw na ba to? "Ano bang pinagsasabi mong babae ka ha? Wala akong pakialam sayo kaya kung pwede ha?! Tigil tigilan mo yang pag-iinarte mo dahil hindi yan oobra sa akin." kinuha ko ang isang cappuccino na nakalapag sa lamesa na inuupuan ko kanina. Tinapon ko yun sa mukha niya kahit na mainit pa ito. Wala akong pakialam kahit na anong mangyari sa mukha niya. Magpapaparty pa ako kung nasira ang mukha niya dahil sa napaso ito. "Ouchh! Ang init huhuhu!" hawak-hawak niya ang mukha niya inaalalayan naman siya ng mga alipores niya. "Pag-sisisihan mong ginawa mo to sa kanya!" singhal sa akin ng clown niyang kaibigan. Inirapan ko na lang siya anong akala niya sa akin matatakot ako? Mas nakakatakot pa yung mukha niya kaysa sa banta nito eh. "Anong nangyayari dito?" nanigas ang binti ko ng marinig ko ang boses ni Laurence at ito na naman ang puso ko na kumakabog dahil lang sa kanya. "Sh*t Nicole! What happened?" mula sa likuran ko ay nilagpasan niya ako at nagmamadali niyang dinaluhan si Nicole na nakaupo na ngayon sa sahig habang hawak hawak ang mukha. "Let me see love." bakas ang pag-aalala sa boses nito na ikinainis ko. "Ano na naman ginawa mo ha Stacy?!" lumapit ito sa akin at hinawakan ako ng mahigpit sa siko "I swear pag may nangyari sa girlfriend ko na hindi ko nagustuhan baka makalimutan kong babae ka!" padabog niya akong binitawan nakita ko naman na ngumisi si Nicole sa akin ng buhatin siya ni Laurence ng bridal style. Ang galing umarte gosh! Panigurado ako na naman ang magmukukhang mali dito. Well lagi naman nasanay na ako. People sucks! F*ck them all! Parang may tumutusok na libo-libing karayom sa puso ko. Ang sakit ng nakikita kong scenario kaya naman kinuha ko na ang sling bag ko at nagmamadaling umalis doon. Never akong magpapakita na nasasaktan ako! Lalo na sa harapan ng marami tao. People always judge when they saw your attitude but they will never see that you suffered more than anyone. Nagtext na lang ako kay Nathalie na umalis na ako sa cafeteria alam ko naman na kahit. Hindi ko na ikwento ang nangyari kanina alam na niya ito bago pa niya ako makita. Sa laki ba naman ng tenga niya at sa pagiging chismosa niya panigurado alam na niya ngayon. Wala din ako sa mood na makita siya dahil panigurado na sasabihin niyang tigilan ko na si Laurence dahil nagpapakatanga na lang ako. Tama na yung nakita ko ngayon. "Maghanda ka Nicole papasaan pa at naging Stacy Montenegro ako kung hindi ko makukuha sayo si Laurence. Sisiguraduhin ko mapapasa akin ang pinakamamahal ko. Sisiguraduhin ko din na masisira ang buhay mo! Sisirain ko ang buhay mo!" Taas noo akong naglalakad papasok sa literature class ko. Same class kami ni Laurence ngayon kaya dapat maganda akong tignan. Umupo ako sa gitna marami pa ang wala dito at karamihan sa amin may kanya-kanyang buhay. Magkaiba ang class ngayon ni Nathalie dahil lagi na lang daw kaming magkasama at nauumay na daw siya sa pag-mumukha ko lalo na daw dahil sinundan ko na naman si Laurence sa isang subject kaya siya nag iba ng schedule.  Wala naman akong pake kaya ko naman mabuhay kahit wala siya panira lang din naman siya sa diskarte ko kaya hinayaan ko na. "Diba siya si Stacy?" rinig ko mula sa likod. Mga chismosa nga naman for sure ako ang kontrabida sa magiging usapan nila. "Oo, siya yan balita ko nga binuhusan niya ng mainit na kape si Nicole. Kawawa nga si Nicole eh buti na lang at hindi nasunog mukha niya dahil sa init nung kape" tsk hindi pala nasunog eh naaawa na sila, sila kaya ang buhusan ko ng mainit na tubig ng matigil sila. Dapat pala sa kumukulong tubig ko siya ilublob para panigurado na sira ang mukha niya. "Napakamaldita naman pala niyang babaeng yan! Palibhasa hindi siya gusto ni Laurence napaka desperada pa." nakataas ang kilay kong tumayo at nagtungo sa kanila. "Sinabi mo pa, balita ko nga ilang taon na niyang hinahabol si Laurence pero wala pa rin." "Paano siya magugustuhan ni Laurence eh ang pangit-pangit ng ugali.  Aanhin mo nga naman ang ganda kung yung ugali basura." "Hi, sa susunod na magchichismisan kayo tungkol sa akin make sure na kayo lang ang nakakarinig." nakangisi ako sa kanila, para naman silang mga tutang pinagalitan ng amo dahil nabahag ang mga buntot. "Wag na wag niyo akong kakalabanin dahil masama akong magalit at demonyo akong kaaway... Naiintindihan niyo ba!" hinila ko pa patayo ang buhok ng isang babae. "Aray!" angal nito tutulungan sana siya ng kaibigan niya pero inunahan ko na siya. Mabilis ko siyang hinila sa buhok kaya dalawa na silang hawak-hawak ko ang buhok. "Bitawan mo kaming maldita ka!"sigaw nilang dalawa. Madami na din nakikichismis sa amin pero wala akong pakialam. Kinaladkad ko sila papapabas ng classroom ng nasa labas na kami tinulak ko sila dahilan para mapaupo silang dalawa. Kinuha ko yung basurahan sa gilid at ibinuhos ko sa kanilang dalawa! "Basura pala ahh! Ayan pareho na tayong mga basura! Mali kayo ng kinakalaban!" hinila ko ang kwelyo ng isang nagsabi na maldita ako. "And yes maldita ako at wala kang magagawa doon." sinampal ko siya sa magkabilang pisnge tinulak ko ulit ito at iaangat ko sana ang isa para sampalin ng biglang may humigit ng braso ko. "Ano ba!  Bitawan mo nga ako!" bumaling ako sa humawak sa braso ko pero nanginig lang ang tuhod ko dahil nakita ko si Laurence na nagbabaga ang tingin sa akin. "What the h*ll are you doing huh? Hindi kana nadala sa ginawa mo sa girlfriend ko! At ngayon naman may kinakawawa ka na naman?! Ibang klase ka din naman pala Stacy eh." hinila niya ako palapit sa kanya halos magkalapit na ang mga mukha namin at konti na lang ay magkakadikit na ang labi namin. Imbis na matakot ako dahil sa mga sinabi niya hindi eh mas nauuna pa yung kilig ko dahil lang magkalapit na kami ngayon. Ngumisi ako sa kanya at hinila ang kwelyo niya para mahalikan ko siya. Wrong move baby boy...it's a very wrong move. Tumingin ako sa kanya at bakas sa mukha niya ang pagkagulat dahil sa ginawa ko. Tinapik ko ang balikat niya at hinaplos ko ang dibdib nito. "Come on baby boy, wag ka masyadong magalit dahil sa ginawa ko sa girlfriend mo." pinaglandas ko ang hinlalaki ko sa labi niya pero umiwas ito ng ikinatawa ko. "Tigilan mo na ako! Ilang beses ko bang sasabihin sayo yan para mapunta dyan sa maliit mong kokote na hindi kita mamahalin dahil dyan sa ugali mo! Nakakadiri ka alam mo ba yun?!" Kahit na nasaktan ako sa sinabi niya pinatatag ko ang sarili ko at umarteng matapang sa harapan niya at sa harapan ng madaming tao. "Oh baby boy alam kong hindi maganda ang ugali ko but believe me magugustuhan mo din ako. Itaga mo yan sa bato, magiging akin ka din." "Dream on... Hinding hindi yan mangyayari." ngumisi ako sa kanya pumunta ako sa gilid niya at tinitigan siya kalaunan ay tumingin din siya sa akin. "I'm already dreaming about our future baby boy." pilyo ko pang hinaplos ang bicep nito bago naglakad na papaalis. Maybe I'm a b***h but this b***h can make you moan in pleasure. Kung hindi kita makukuha sa santong dasalan kukunin kita sa santong paspasan and I make sure I will win this time.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Matchmaker to the Ruthless Billionaire (TAGALOG)

read
577.8K
bc

Pain(Tagalog)

read
353.9K
bc

The President -- COMPLETED --

read
205.6K
bc

Want You Back (Filipino)

read
228.0K
bc

Angel's Evil Husband

read
269.0K
bc

Fight for my son's right

read
152.3K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
77.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook