Stacy POV
"I can't believe you, you kissed him in front of crowded people!" For the ninth time I rolled my eyes in annoyance how many times she need to say that 'I can't believe thing' and it's irritates me for petes sake!
"Can you stop Nathalie? And please stop that 'I can't believe this' Believe it or not but I kiss him. God knows how strong I am just to kissed him yesterday." Kahit ako hindi pa rin ako makamove on sa nangyari kahapon pero napaka oa naman ata ng kung paulit ulit niyang sasabihin na hindi siya makapaniwala.
"Well balitang balita nga naman eh sinakop niyo na ang newsfeed ko girl! Nakakairita yung picture mo na magkalapat ang labi. And besides hindi naman talaga kapani-paniwala na nahalikan mo siya kung wala lang picture malamang iisipin ko na baliw na yung ibang tao dito. For sure nagaalburoto na yung Nicole na yun dahil sa picture niyo."
"That's my revenge I can still remember na pinamukha niya akong masama sa harapan ni Laurence kahapon well lagi naman."
"Hindi na ako magtataka kung kalbo kana mamaya." hindi ko hahayaan na mahawakan nila ang kahit na isang hibla ng buhok ko. Magkakamatayan na kami at sisiguraduhin ko na siya ang paglalamayan.
"That will never happen before she touch me I will make sure she beg for her precuious hair." I smirked, no one will mess up with me...Not Stacy Montenegro or else say hi to your mesirable life.
"Talaga lang ah... Tiklop ka nga kapag andyan na si Laurence eh!"
"May plano ako para mapasaakin si Laurence kung hindi ko siya madadaan sa santong dasalan idadaan ko siya sa santong paspasan. "kumunot naman ang noo niya.
"Oh anong plano mo ngayon aber?"
"I will suduce him as simple as that." kampante ako na magtatagumpay ako sa plano ko dahil meron naman akong epekto sa kanya. Natigilan siya kahapon ng halikan ko ang mga labi niya and I will make sure he's going to be mine!
"Sana lang mag tagumpay ka dyan sa plano mo at wag na wag kang iiyak sa akin dahil lang sa katangahan mo!"
"I know Nathalie, hindi mo na ako kailangan paalalahanan sa mga bilin mo sa akin araw-araw."
"Ayon na nga eh! Nagbibilin na nga ako sayo pero wala ka namang pakialam. Dadaan lang dyan sa kabila mong tenga tapos lalabas naman sa isa."
Hindi na lang ako nakinig sa mga sermon niya sa akin at ipinatong ko ang ulo ko sa desk ko nagkunwari akong natutulog para tumahimik na siya.
Totoo naman ang mga sinabi niya eh, lalabas lang sa tenga ko ang mga sinabi niya. Wala naman silang magagawa kung yung peste kong puso pangalan niya ang sinisigaw!
Hindi ko naman ginustong mahalin si Laurence eh pero wala eh natamaan ako ni kupido ng walang dahilan! Sa kamalas-malasan ko nga naman may girlfriend pa ito na halos 3 years na.
Gusto ko tuloy hanapin si kupido at siya ang panain ko dahil pumalya siya sa mission niyang magmahalan kami ni Laurence.
Sobrang hirap ng sitwasyon ko pero kakayanin ko! Magiging akin si Laurence itataga ko yan sa ribs ng kaibigan kong walang ginawa kundi ang manermon.
Busy ako sa pagtingin sa labas ng bintana habang nag didiscuss ang prof namin, sobrang boring naman kasi ng tinu-turo niya kaya walang masyadong nakikinig dito.
Matandang dalaga kasi ito at sobrang hina na ng boses. Sobrang tanda na din nito pero hinahayaan pa ring magtrabaho ng school dahil wala daw siyang pagkukuhanan ng pera kahit naman na may benepisyo na siyang matatanggap mas pinili nitong mag turo dahil yun daw ang gusto niya.
"Oy! tara na natapos na class natin oh!" kalabit sa akin ni Nathalie dahil lutang akong nakatingin sa bintana.
"Sige una kana sa labas susunod na ako, aayusin ko lang mga gamit ko." tumango ito at lumabas na ng classroom.
Inayos ko naman saglit ang gamit ko at lumabas na din ng room. Nakita ko si Nathalie sa gilid ng pinto na naghihintay sa akin.
"Tara na! nagugutom na din ako." aya ko sa kanya.
"Ewan ko ba dyan sa bituka mo lagi ka namang gutom eh! Sana ganyan din ako kahit na lamon ng lamon hindi tumataba!" nginisian ko lang siya.
Pababa na sana kami sa hagdan ng masalubong namin ang grupo nila Nicole na papaakyat.
"Kita mo nga naman ang pagkakataon hindi na pala kita hahanapin eh!" Pumalakpak pa ito na para bang nakakita ng magandang performance.
Tinaasan ko siya ng kilay
kahit kailan kumukulo talaga ang dugo ko sa kanya!
"Ohh... Hi Nicole buti na lang at nakita din kita, itatanong ko lang sana kung nagustuhan mo ba yung ginawa ko kahapon. Nakita mo na ba yung picture? I think you should see it, ang ganda ko pa naman sa kuha nila." ngumiti ako ng mala-demonyo sa kanya.
Gusto ko na siyang sampalin ngayon pa lang at iuntog ko yung ulo niya sa pader ng paulit-ulit pero kailangan kong magtimpi wala pa naman siyang ginagawa sa akin maliban na lang sa pag angkin niya sa pagmamay-ari ko!
"Sa tingin mo nakakatuwa yun huh? FYI! Napakalandi mo nga eh at mas lalo ka lang naging desperada sa mukha ng ibang tao." nilapitan niya ako at hinaplos niya ang buhok ko. "Alam mo ba? pinuntahan ako agad ni Laurence bago ko pa makita ang picture niyo." nilapit niya ang bibig niya sa tenga ko para bumulong.
"Nagstay siya sa condo ko at hindi lang halik ang ginawa namin, if you want the full detail I can tell you...alam mo na gusto kong malaman mo na ako talaga ang mahal niya at hindi ikaw. I'm proud of him because he always see me... Only me." tiim baga ako habang nakikinig sa kanya. How dare her to say does things!
I put myself together, kung magpapaapekto ako sa kanya baka ako na naman ang magiging talo at hindi ko yun hahayaan.
"So... why you're so scared huh? Are you scared na mapunta siya sa akin? Well matakot kana talaga! You know why? Because I get what I want." tinapik ko ang pisnge niya at nakangising nilagpasan siya.
"Walanghiya kang babae ka!" sigaw nito at naramdaman ko na lang na may tumulak sa akin sa likod.
The last thing I knew nahuhulog na ako sa hagdan.
"Oh my god! Stacyy!" sigaw ni Nathalie bago mauntog ang ulo ko sa pader. Nakaramdam ako ng likido na tumulo sa noo ko bago ako mawalan ng ulirat.
Nagising ako ng masakit ang ulo ko parang binibiyak ang ulo ko dahil sa sakit. Ano bang nangyari?
"Arayy ang sakit!" daing ko habang sapo-sapo ang noo ko.
"Buti naman at gising kana akala ko dito ka na magpapalipas ng gabi." napalingon ako sa kanan ko at nakita ko doon si Laurence na naka-upo sa bed clinic.
Doon ko kang unting-unting naalala ang nangyari kanina! Tinulak ako ni Nicole at nawalan ako ng malay! Hinawakan ko ang ulo ko at naramdaman kong may bandage na nakalagay dito.
"Anong oras na?" tanong ko sa kanya, hindi ko pinahalata na apektado ako dahil sa nandito siya ngayon.
Teka anong ginagawa niya dito? Binabantayan niya kaya ako? God wag kang assumera Stacy!
"6:38 p.m kanina pa kita binabantayan dito sa clinic. Kaya mo bang bumangon? Ihahatid na kita sa inyo." kumabog ang dibdib ko dahil sa sinabi niya. So kanina pa siya nandito! Binabantayan niya ako! ngayon hindi ko na susuwayin ang sarili ko dahil hindi nga ako nag aassume kanina.
"Teka... bakit ikaw ang nag bantay sa akin? Asaan si Nathalie?" lumapit naman siya sa akin at inalalayan akong umupo.
"Umalis siya bigla kasi siyang tinawagan ng parents niya at may importante daw silang gagawin. Binilin ka niya sa akin dahil kagagawan naman daw to ng girlfriend ko kaya wala na akong nagawa. Kaya kung ako sayo dyan wag kang mag assume ng kung ano-ano." natahimik ako dahil sa sinabi niya. Ayan Stacy antanga mo eh assumera ka talaga kahit kailan!
"Edi sana tinawagan mo na lang ang Daddy ko para mapasundo ako dito sa clinic." may bahid na inis kong sabi.
"Wala daw siya may biglaan daw siyang meeting sa Singapore kaya yaya mo lang ang nakausap ko. Wala din naman ang driver niyo dahil sinama ng Daddy mo kaya pinaki-usapan na lang ako ng yaya mo na iuwi ka pag-nagising ka." mahaba niyang paliwanag.
"Halika na at ihahatid na kita." inilahad niya ang kamay niya hindi na din naman ako nagpachossy pa. Aba blessing na kaya to!
Inabot ko ang kamay niya ngayon ko lang nahawakan ang kamay niya at sobrang lambot halatang hindi gumagawa ng gawaing bahay.
Hindi ko tuloy maiwasan na pisilin ang kamay niya habang nakangiti.
"Hoy babae wag na wag mo tong bibigyan ng malisya! Tinutulungan lang kita dahil naguguilty ako sa ginawa ng girlfriend ko at dahil wala akong choice!" ngumiti naman ako sa kanya.
"Wala akong pake atleast binantayan at inalagaan mo ako ngayon." kumawit ako sa braso niya. Inamoy ko ang suot niyang uniform.
Ang bango niya!
"Sa kakasinghot mo sa uniform ko baka mawala na yung amoy niyan!" sita niya sa akin, inilayo niya ng konti ang ulo ko. Pero hindi mawala-wala ang ngiti ko dahil hinayaan niya aking kumapit sa braso niya.
Halos wala ng tao dito sa university ng maglakad kami papalabas ni Laurence. Sinadya kong bagalan ang paglalakad ko nag-alibi din ako na masakit ang ulo ko.
"Nabigla ata ako sa pagtayo ko kanina." todo kapit naman ako sa kanya kahit na medyo ok naman na ang pakiramdam ko.
Nanigas ako ng maramdam kong ipinulupot niya ang braso niya sa bewang ko kinuha naman niya ang isa kong kamay at inalalayan akong mag-lakad.
"Sa susunod kasi wag mo ng patulan si Nicole napapahamak ka lang eh, Hindi ka ba titigil sa kakahabol sa akin?" napa-isip ako saglit sa sinabi niya. Bakit naman ako titigil? Lalo na ngayong napapansin na niya ako, No... hinding-hindi ako titigil. Isa ba bakit siya nag aalala sa akin kung gayon lagi kung sinasaktan yung girlfriend niya?
"Bakit naman ako titigil? Kung ang asawa nga nakukuha pa ng iba, Ikaw pa kaya na hindi pa kasal." ani ko sa mahinang boses. Gusto ko siyang ipaglaban lalo na tong pagmamahal ko sa kanya. Wala siyang magagawa kung hindi ang hayaan ako dahil ito ang gusto ko.
"Mapapagod ka lang madami pa namang iba dyan...bakit ako pa ang nagustuhan mo?" madami namang nagkakagusto dito ah! Hindi lang naman ako ang patay na patay sa mokong na to eh.
"Bakit hindi ikaw?" balik ko ng tanong sa kanya.
"Dahil may girlfriend ako at mahal na mahal ko siya Stacy." hindi ko maramdaman yung feeling sa mga sinabi niya. Siguro dahil wala naman akong pake kung may mahal siyang iba o dahil hindi ko lang talaga maramdaman yung sinasabi niyang mahal niya si Nicole.
Sabi nila mararamdaman mo daw yung feeling ng isang tao lalo na pag-sinasabi niya to ng bukal sa puso. Pero wala eh hindi ko maramdam yung mga sinabi niya.
"Ano naman kung mahal mo? Ako din naman ah mahal na mahal ka pero wala kang pake." ani ko.
Umiiling na lang siya at pinag binuksan niya ako ng pinto sa passenger seat. Inalalayan niya akong hanggang sa maka-upo ako.
Hanggang sa nahigit ko ang hininga ko dahil sa sobrang lapit niya ng ikinabit nito ang seatbelt mula sa kinatatayuan niya. Nagkatitigan kami ng ilang minuto.
Nakipagtitigan ako sa mga mata niyang kulay abo nang bumaba ang tingin niya sa labi ko. Hindi ko tuloy maiwasan na mapakagat ng labi.
Kitang-kita ko kung paano gumalaw ang adams apple niya tanda ng paglunok nito.
Bago pa ako makapag-salita ay lumayo na ito at naglakad na pasakay sa driver seat.
Sh*t hahalikan niya kaya ako? Natemp kaya siyang halikan ako?!
Kasi kung... Oo! Magpapaparty talaga ako!
Mas lalo mo lang akong binibigyan ng dahilan Laurence para kunin kita sa girlfriend mo!
It's a wrong move again baby boy.