Stacy POV
"Laurence."mahinang anas ko habang nangi-nginig ang kamay ko sa lamig.
"Buntis ka?!"may galit sa mga mata niya pero tinatagan ko ang sarili ko. Hindi ako magpapaapekto sa galit niyang mukha.
"Ano naman sayo kung buntis ako?"balik na tanong ko sa kanya pinag-titinginan kami ng ibang tao at nag umpisa na silang pagchismisan ang buhay ko.
"My gosh buntis siya kaya naman pala lumulobo na ang katawan niya."nadidiring sabi ng isang babae sa katabing table namin.
Siguro kung hindi lang maselan ang pagbubuntis ko baka nasampal at nailampaso ko na siya sa sahig ngayon!
"Yeahh I wonder kung sino ang ama ng batang dinadala nita for sure gagamitin niya yung bata para lang makuha si Laurence knowing her gagawa at gagawa siya ng paraan para lang mapaghiwalay sila Nicole."
Kinalma ko ang sarili ko hindi ako makikinig sa mga sinasabi nila dahil walang katotoohanan ang mga sinasabi nila.
Hindi nila ako kilala para husgahan ako. Wala silang alam sa pinag-daanan ko at sa paghihirap ko dahil sa pagmamahal ko kay Laurence.
"Mag-usap tayo."nabaling ang atensyon ko kay Laurence na nagsalita sa tabi ko.
"Wala tayong dapat pag-usapan."kinuha ko ang slig bag ko bago tumayo. "Tara na Nathalie nawalan ako ng ganang kumain."walang lingon-lingon na nilampasan ko si Laurence pero hinigit niya ang braso ko paharap sa kanya.
"Sabing kailangan nating mag-usap!"mariin niyang sabi, natawa ako sa kanya at tinitigan ko siya ng masama.
"Bakit? Ano bang kailangan mo? Ang katawan ko? Tapos ano ipagtatabuyan mo ulit ako at sasabihin mo sa akin kung gaano mo kamahal si Nicole? Wag ako Laurence ayoko na kaya kung pwede lang? Bitawan mo yung braso ko bago pa kita masampal sa magkabilang pisnge."Kinakalma ko ang sarili ko pero hindi ko magawa. Iniisip ko lahat ng sinabi ko sa kanya dahil totoo yun.
Ayokong umasa sa mga pinapakita niya. Lumapit lang siya sa akin at iyon na yun wala ng iba.
"Mag-uusap tayo sa ayaw at sa gusto mo."nanlalaki ang mata ko ng binuhat niya ako na parang isang sakong bigas.
"Ano ba! Ibaba mo ako!"pinagsusuntok ko ang likod niya ang galit na nararamdaman ko kanina ay mas nadagdagan pa dahil da ginawa niya."Ibaba mo ako sabi ehh!"
"Wag kang magalaw kundi mahuhulog ka dahil sa ginagawa mo! Gusto ko lang naman na mag-usap tayo kaya wag ka nang manlaban dahil wala kang magagawa."natigil ako sa pagsuntok sa likod niya dahil sa sinabi nito.
Tama siya may chance na mahulog ako at baka may mangyari sa baby ko. Wala din akong magagawa dahil buhat buhat niya ako.
Hindi ako makatingin ng maayos sa dinaraanan namin dahil sa pagkakabuhat sa akin ni Laurence hanggang sa pumasok siya sa isang silid at saka niya ako ibinaba, nakaupo ako ngayon sa isang silya at nakatayo ito sa harapan ko.
"Ano bang kailangan mo ha?!"galit kong sigaw sa kanya. Masama ang bawat tingin ko sa kanya ng kumuha ito ng isang silya at umupo sa harapan ko.
"Your pregnant?"ulit nitong tanong sa akin.
"So what if I'm pregnant?"I raise my eyebrow. f**k this man for bringing me here!
"Is that my child?" I let go a sarcasm laugh. Anong akala niya sa akin? Babaeng nagpapatira kung kani-kanino?
"What do you think huh? That I will let anyone to have s*x with me when your the one who got my virginity? Do you even think I can give my body to someone else huh?" Laurence faces darkened because of what I have said.
"No one will touch you nor have s*x with you expect me!" I laugh hard. So he's being possessive with me now? But f**k him to hell! He will just left me when he's done having s*x with me.
"Are you done? I'm sorry to say but I'm done with you Laurence... it's over. I'm not that Stacy you know, I change for thr better." I gave him a small smile.
"We're not done yet baby. Hindi pa tayo ang uumpisa pero tinatapos mo na? Sorry to say too, but it's not over yet."
"Stop playing with me Laurence! I have enough! I give you everything you know that! My attention, love, time, effort, even my body I gave it to you! Tell me isn't enough for you? Please stop this already I'm happy now you see?"itinaas ko pa ang dalawang kamay ko para ipakita sa kanya na ok na ako dahil hindi ko siya nakikita.
"Asked me if I'm happy!"singhal niya sa akin.
Nakipagtitigan ako sa mata niya."Are you happy seeing me like a trash? Are you happy seeing me suffering because of you? Are you that happy making me feel like bullsh*t huh? If your happy f**k you! Go to hell and I don't give a f**k anymore!"
Tatayo na sana ako ng mabilis niya akong sinapo sa mukha at hinalikan ng mariin.
I push him but it's not working. All the rough kisses I never kiss him back with the same ferocity. Ayoko ng magpakatanga sa kanya. May bata nang nasa sinapupupunab ko na dapat kong alalahanin.
I even taste my blood own blood dahil sa mariin niyang pagkakahalik. Nalasahan niya din siguro ang dugo na nasa labi ko dahil natigilan ito at kita ko sa mga mata niya ang pagsisisi dahil sa ginawa nito.
"Tapos kana ba? Sinabi ko na sayo ayoko na! Sawa na ako Laurence kaya please tigilan mo na ako dahil tinigilan na kita!"tinulak ko siya at nagmamartsa ako paalis sa lugar na yun.
Gusto kong sampalin ang sarili ko dahil umiiyak na naman ako ng dahil sa iisang lalaki. Nagagalit ako sa kanya bakit niya ginagawa to kung kailan sinukuan ko na siya? Mas makakabuti to para sa akin at sa anak ko.
Ayokong mawala ang bata na nasa sinapupunan ko at gagawin ko ang lahat para maprotektahan ko lang ang anak ko.
Hindi ko alam kung anong nasa isip niya pero ayoko ng lumapit ulit sa kanya. Tama na to yung sakit na ibinigay niya sa akin. Ayoko na pagod na akong umiyak ng umiyak.
Hinaplos ko ang tyan ko na hindi pa umuumbok.
'I'm sorry anak hindi kita mabibigyan ng kumpletong pamilya na gusto ko. Ayokong ipagtabuyan at iwan ka din ng ama mo kagaya ng ginagawa niya sa akin.'
Mas gugustuhin ko na lang na wag nang magmaroon pa ng kahit na anong koneksyon kay Laurence.
NAKAHIGA na ako sa kama ko pagkatapos ng klase ko ay umuwi ako sa takot na makita ko ulit si Laurence. Baka pag nakita ko muli ito ay magbago na naman ang desisyon ko na layuan siya.
Nakatingin ako sa kisame habang kumakain ng banana chips lately masyado na talaga akong kumakain na hindi ko mapigilan ang sarili ko. Nagpapasalamat na lang ako na nandito sila Dad at Nana para alalayan ako sa mga kinakain ko dahil pag hindi ko alam na napapasobra na ako sa mga fatty food ay pinipigilan na nila akong kumakain. Wala na din naman akong magawa dahil baka makasama sa baby ko.
Nagpapasalamat din ako dahil dito na namamalagi si Dad dito na niya pinagtuonan ng pansin ang companya namin umaalis na lang ito pag kinakailangan talaga pero hindi din naman siya mag tatagal siguro dalawa hanggang sa tatlong araw lang siya doon bago umuwi dito.
Abala pa rin ako sa pagtitig sa kisame ng kumatok si Nana sa pintuan ng kwarto ko.
"Anak may bisita ka."kumunot ang noo ko dahil wala naman akong matandaan na pupunta dito si Nathalie. Siya lang naman kasi ang bumibisita sa akin dahil siya lang ang kaibigan ko.
"Sige po Nana bababa na po ako."bumangon na muna ako bago ko tignam ang sarili ko salamin.
"Hayss tumataba na talaga ako."umiiling na lang ako na lumabas sa kwarto ko. Hindi na ako nag aksaya ng oras na ayusin ang gulo kong buhok dahil nakakatamad mag-ayos. Hindi kagaya dati na todo ayos pa ako para lang kay Laurence.
Nang makababa ako sa hagdan ay narinig ko ang boses ni Dad na may kausap sa sala. Kunot noo akong nagtungo sa sala nakaharap sa gawi ko si Dad habang ang kausap naman nito ay nakatalikod sa akin.
"Dad."tawag ko dito napalingon naman sila sa akin ni—
"Laurence!"gulat kong sabi habang nakatingin sa kanya. Tumayo naman ito mula sa pagkakaupo niya at ngumiti sa akin.
"Ahh hi!"para pa itong nahihiya sa hindi ko malaman na dahilan. Ang itong pesteng puso ko ito na naman sa pagtibok!
"Anong ginagawa mo dito?"napakamot naman siya sa batok nito.
"Sabi ko sayo gusto kitang makausap pero iniwan mo ako kanina kaya naisipan ko na puntahan ka na lang dito sa bahay niyo."nakabawi na din naman ako sa gulat kaya naglakad na ako palapit sa kanila. Umupo ako sa tabi ni Dad habang sinenyasan naman siya ni Dad na umupo.
"Nag-usap kami kanina habang hinihintay ka. Stacy I want the best for you gusto kong may ama na kalalakihan ang apo ko. Nag pag-usapan din namin ni Laurence na magpapakasal kayong dalawa."
Napapantastikuhan akong tumingin kay Laurence alam ko na hindi siya papayag kung ako ang nagsabi nun sa kanya. Nahihita ba ito o natatakot dahil sa ang ama ko ang nagsabi sa kanya?
"Ayokong magpakasal dad. I told you he doesn't love me. Dad ayokong ipagsiksikan ang sarili ko sa lalaking yan! Lalo na ang anak ko! Umalis ka na dito ayokong makita ang pagmumukha mo!"tumayo ako at nagmamadaling nagtungo sa kwarto ko.
Dapat maging masaya ako dahil pumayag si Laurence na pakasalan ako pero hindi ko magawa dahil alam ko naman na napipilitan lang ito.
Nang makapasok ako sa kwarto ay padapa akong humiga sa kama habang yakap-yakap ko ang unan ko. Pinakalma ko ang sarili ko ilang beses ko na tong ginawa dahil ayokong umiyak.
Paulit-ulit kong sinabi sa utak ko na makakasama sa bata ang mag-isip ng kung ano ano pero diko mapigilan na umiyak.
Hindi ko alam kung ilang minuto na akong umiiyak ng may kumatok sa kwarto ko sa pag-aakalang si Dad yun ay tumayo ako at binuksan ang kwarto ko.
"Diba sinabi ko ng uma—"natigilan ako ng niyakap niya ako nakasubsob ang mukha nito sa leeg ko habang paulit-ulit na humihingi ng tawad.
"I'm sorry, I'm sorry, I'm sorry, I'm so sorry baby,"humiwalay ito sa akin, hinalik halikan niya ang noo ko. Hindi siya tumigil sa kakahingi ng sorry hanggang sa pigilan ko ito.
"Laurence umalis kana hindi mo ako madadala sa paghingi mo ng pasensya."umiling ito sa akin at niyakap na naman niya ako sa pagkakataong ito ay mas mahigpit na ang yakap niya.
"No I will stay here, I'll sleep here."deretsyo niyang sabi sa akin.
"Laurence wag mo akong paglaruan please. Pag pinagpatuloy mo pa to baka lumambot na naman ang puso ko tapos pag nagpakita na naman ako ng motibo saka mo ako iiwan ulit at ipagtatabuyan. Nakakapagod ng ipagsiksikan yung sarili ko sayo mahal kita pero hindi ako habang buhay na magpapakatanga para sayo. Nakakapagod manlimos ng pagmamahal sayo napagod na akong maghabol sayo. Nakakapagod kang mahalin."umiiyak kong sabi mas humigpit ang pagkakayakap niya sa akin na para bang ayaw niya akong mawala sa kanya.
"Please no, no, no... please wag kang mapagod na mahalin ako. f**k!"sinapo niya ang mukha ko."Love me please! Just love me!"tumitig ako sa mga mata niya.
"Paano naman ako? Inuutusan mo akong mahalin ka pero ako hindi? Napaka unfair mo naman!"mapait akong tumawa lalayo na sana ako sa kanya pero hinigit niya ulit ako payakap sa kanya.
"I love you! Mahal kita matagal na. Nung una hindi ko inamin sa sarili ko na mahal kita pero totoo mahal kita. Lagi kitang hinihintay sa classroom, cafeteria sa tambayan namin at sa gym. Lagi kitang hinihintay dahil alam ko na magpapakita ka sa akin at sasabihin mo da akin na mahal mo ako."hinalikan niya ang noo ko.
"Mahal kita sa loob ng dalawang linggo na hindi ka nagparamdam at iniwasan mo ako. Doon ko lang narealize na mahal na kita. Yes pinagatatabuyan kita sinabi ko na mahal ko si Nicole pero hindi na eh. Kahit kailan hindi ko siya minahal pinilit niya lang ako pati na rin ang magulang niya dahil magpapakamatay ito. Please wag mong sabihin sa akin na napapagod kana dahil alam ng Diyos kung gaano kita kagustong hapitin at halikan sa harapan ng maraming tao."napatitig ako sa kanya.
"Mahal mo ako?"nakaramdam ako ng tuwa dahil sa sinabi niya mahal niya talaga ako!
"Yes, I love you Stacy Santiago."