Stacy POV "So ano successful ba yung plano mong pang-aakit ah?!" excited na tanong ni Nathalie sa akin sa kabilang linya. Napairap naman ako ng maalala ko na halos dalawang araw akong hindi tinantanan ni Laurence dahil doon. "Oo successful pero naloka ako ng dahil sayo alam mo ba yun?! Dahil sa suggestion mo dalawang araw niya akong hindi tinantanan take note ahh inaasar pa ako ng loko." umirap pa ako kahit na hindi ako nakikita ngayon ni Nathalie. "Normal lang yan ano ka ba! Nga pala yung sinabi ko sayo nung isang araw. Ano pumayag ba siyang makipagkita sa akin?" ewan ko ba sa babaeng to gustong gustong makita si Kevin lalo na ng makita niya sa news na divorce na kami. Yes kumalat na sa media na wala na kami ni Kevin pero nanatiling pribado ang dahilan ng paghihiwalay namin naikina

