Stacy POV Matagal kong pinag-isipan ang sasabihin ko kay Kevin. Ayokong maging unfair sa kanya dahil asawa niya pa din ako at legal yun. Nagpapasalamat na lang ako na sa U.S kami nagpakasal dahil may divorce doon. Kagat-kagat ko ang kuko ko habang nakaupo sa sala. Nasa harapan ko ngayon si Kevin na inuusisa ako. Tinawag ko kasi ito dahil sinabi kung may mahalaga akong sasabihin. "So, anong sasabihin mo sa akin?" kinuha niya ang kapeng nasa harapan niya at sumimsim ito. Kinuha ko din ang kape ko, inimon ko yun pero napaso lang ako. "Ang initt!" nilabas ko ang dila ko dahil napaso ito. Ang tanga ko ba naman kasi hindi ko pa hinipan. Umalis naman si Kevin pero bumalik din ito na may dala-dalang ice cube. "Ahhh." ani niya kaya naman sinunod ko ang sinabi niya. Isinubo naman niya sa

