bc

Perks of Being My First Love

book_age16+
1.1K
FOLLOW
5.1K
READ
friends to lovers
arranged marriage
drama
comedy
twisted
bxg
childhood crush
enimies to lovers
first love
friendship
like
intro-logo
Blurb

Hindi na alam ni Kasandra ang gagawin sa naguguluhang niyang puso. Mula kasi nang bumalik ang gwapo niyang bestfriend galing sa ibang bansa ay wala na itong tigil sa kadidikit sa kanya. Tapos may mga goons pang habol ng habol sa kanya at gusto siyang gawing Yakuza Princess. Magawa kaya niyang matuklasan ang tunay na damdamin para sa matalik na kaibigan? O mauuna ang mga yakuzang makuha siya at dalhin sa Japan?

------------------------------------------------------------------------------------------------------

Author's Note

Thank you for taking the time to read Perks of being my First Love! This story is a labor of love, and I hope you enjoyed it.

Please note that this book was not professionally edited, so you may encounter some grammatical or technical errors. I apologize for any inconvenience this may cause.

I hope you enjoyed this story and that it brought you some joy.

Sincerely,

Kalishia Joy

chap-preview
Free preview
Chapter 1: Escape is a Hard Thing
Kobe, Japan, year 2017 "Bakanakotoha issai shinaideyo, ii, Yuki-hime?" "Kiite imasu ka?" Hindi pinakikinggan ni Yuki ang walang sawang babala nina Shino at Shiba na 'wag nang ituloy ang balak niyang pagtakas. Sa halip ay inip na hinihintay lang niya ang kanyang order na Beef Shio Ramen sa isa sa mga sikat na restaurant sa Kobe Motomachi, isa sa pinaka malaking shopping center ng Japan. Hindi niya masisi ang dalawa dahil sa ilang beses na pagtatangka niyang pagtakas ay matinding parusa din ang natatanggap ng mga ito katulad niya. Ang dalawa kasi ang nagsisilbing taga-bantay niya. "Anata ga shiyou to suruto watashitachi wa anata o kizutsukemasu!?" pagtatanong ni Shino kung nakikinig ba s'ya. Hinampas niya ang mesa at tumingin sa mga ito. "Gomen'nasai, Bosu!" Tila mga takot na tutang hinging paumanhin ng mga ito at sabay na yumuko sa kanya. Sa wakas ay dumating na ang ramen na agad niyang kinain. Naaawa man siya sa dalawa ngunit ayaw na talaga niya sa buhay niya bilang prinsesa ng mga yakuza. Bukod sa magulo at malayo sa normal ang buhay niya dito ay hangad din niyang mahanap ang isang tao sa Pilipinas. Matapos kumain ay nagtungo siya sa palikuran habang abala pa rin sa pagkain ang dalawa niyang kasama. 'Di nagtagal ay pa-simple na siyang tumakas at agad na nagtungo sa Kobe station. Ngunit pagdating sa station ay agad na siyang naharang ng ilan sa kanilang mga tauhan. Mabilis lang niyang napatumba ang mga ito ngunit hindi pa siya tuluyang nakakalayo nang may muling sumugod sa kanya. Naiwasan man niya ang pag-atake nito ay matinding laban naman ang naging kasunod noon. Hindi maipagkakailang isa siya sa pinaka magagaling na Yamaguchi pagdating sa pakikipaglaban dahil sa matinding training na meron siya mula pagkabata. Kahit sa buong organization ay walang makatalo sa kanya, maliban kay Kenjin. Si Kenji ang isa sa pinaka magaling na tauhan ng kanyang lolo at nagsisilbing kanang-kamay nito. Nataman man niya si Kenjin ng dalawang beses sa mukha at sa sikmura. Pagdating naman sa ikatlong atake sa braso ay walang kahirap-hirap na sinalag nito ang sipa niya saka hinawakan ang mga paa niya. "Princess, please stop this stupidity. You know you can't do anything as long as I'm here." "No! I'll make sure I will escape and have my own life!" patuloy pa rin siya sa pagpupumiglas. Ilang tama at sakit pa ang naranasan niya bago siya ibalibag nito sa loob ng sasakyan. Pagdating sa mansyon ay matinding galit mula sa kanyang Lolo, Kumicho Ojisan, ang hinarap niya. Ipinatali siya nito saka siya hinagupit. Bali wala na ang sakit na nararanasan niya mula sa mga palo nito. Dahil mas matinding sakit ang nararanasan niya sa bawat oras ng pananatili niya doon. "You, stubborn brat! You will stay here for three months!" galit na sigaw nito matapos niyon ay malakas na pagbagsak na ng pinto ang narinig niya bago siya tuluyang nawalan ng malay. ~o0o~ Manila, Philippines, year 2017 Sa kabilang banda sa Pilipinas, ang kauna-unahang super typhoon sa taong 2018 ang na nanalansa sa buong bansa. Habang sa munting bahay ng mga De Guzman ay prenteng ine-e-enjoy ni Kasandra Ruiz ang malamig na panahon habang nanonood ng paborito niyang palabas na W: Two World. Hindi niya maiwasang magsaya dahil sa mga nakalipas na buwan ay abala siya sa kanyang trabaho bilang Auditor sa isang outsourcing company. Tanging ang araw na iyon lang siya nakapagpahinga ng maayos at sa wakas ay nagkaroon pa siya ng oras na mag-marathon ng mga K-dramang matagal na niyang nais mapanood. Habang nakaupo sa sahig ng kanilang sala ay kumakain din siya ng pambansang meryenda ng mga pinoy, ang turon. Kukunin na sama niya ang natitirang piraso ng turon ng may kung sinong nauna nang kumuha dito. "Ooy!" angal niya at napatingin sa kumuha ng salarin. Bumungad sa kanya si Calvin, ang bestfriend kuno niya pero lagi naman siyang inaasar. "Hoy! Akin 'yan!" "Pahingi lang ako! Ang takaw mo! 'Di ka naman tumataba!" sagot nito at kinagatan na ang turon na dapat ay sa kanya. Hinataw niya ito sa braso. "Ikaw ang matakaw! Taba!" Tumawa ito, "Tampo na Yahoo ko..." 'Yahoo' ang tawag nito sa kanya dahil sa mga emoji at logo ng Yahoo na kamukha daw niya ayon dito. Tumabi ito sa kanya at itinapat ang turon sa kanyang bibig, "Here..." "Ayaw! May germs na 'yan," pagtatampo na niya. "Ang arte mo," sabi nito sa kanya at muling kumagat sa turon. Pikon man ay binelatan na lang niya ito. Ganoon kasi talaga sila kung magkulitan ng kaibigan. Muli na lang niyang binalikan ang pinapanood kung saan madamdaming umamin na si Oh Yeon-Joo kay Kang Chul nang damdamin nito habang nasa loob ng kulungan. Hindi nagtagal ay napunta na sa mainit na kissing scene ang dalawa. Hindi niya maiwasang mapangiti at kiligin ng husto. Nakalimutan na din niya ang presensya ng kaibigan na nasa likod lang niya. Hindi pa niya maaalalang kasama niya ito kung hindi pa ito nagkomento sa kanyang pinapanood. "Para kang ewan. Eh, mas gwapo naman ako dyan, oh..." inilapit nito ang gwapong mukha sa kanya. Ngunit kahit aminado siyang gwapo ito ay hindi siya kinilig o ano pa man. Bata pa lamang kasi sila ay aware na siya sa hitsura nito. Pero alam din nyang sakit sa ulo lang din ang hatid niyon dahil sa dami ng babaeng nagkakagusto dito. "Pwede ba!?" kunware ay tangi niya sa sinabi nito. Nakita niyang kakainin nang muli nito ang huling kagat ng turon. Kinuha niya ang kamay nito at pilit na isinusubo iyon sa kanya ngunit nakatikas ang mga braso nito at ayaw ilapit sa kanya. "Akin na 'to!" "Sinusubuan kita kanina, ayaw mo. Tapos ngayon, mang-aagaw ka?" Nasa ganoong akto ang dalawa na nag-aagawan sa turon nang lumapit ang kanyang Ina na si Miko dala ang isang pinggan ng turon. "Kasandra Ruiz! Ano ba iyan? Nakakahiya kay Calvin." Biglang lumambot ang braso ni Calvin dahilan upang mapahiga siya sa sahig. "Tita, ayos lang po. Ang sarap po kasi ng luto n'yo." "Ay, naku! Batang 'to, nambola pa." Hinawakan pa ng kanyang Ina ang pisngi nitong namumula. "Sus, sipsip," bulong niya na narinig pa rin pala ni Miko kaya binatukan siya nito. Pagtingin naman niya kay Calvin ay lihim na binelatan siya nito. Kainis! Talo ulit siya nito. "Oh sige, d'yan na muna kayo." Kumuha na ulit siya ng turon pagkatalikod ng Ina. Lagi namang ganoon ang kanyang Mama mas kinakampihan pa nito si Calvin kaysa sa kanya. "Yahoo," muling paglalambing nito. "Che! 'Wag mo 'kong kausapin." "Ito naman, nagtampo na kaagad. Sorry na," sinundot nito ang tagiliran niya kung saan siya may kiliti dahilan para mapaiktad siya. "Ano ba!?" "Sorry na kasi... bilis na... sorry na..." sabi nito na walang tigil sa pagkiliti sa kanya. "Oo na! Matahimik ka lang at tigilan ako." Impit na tumawa ito. "Ano ba kasi ang ginagawa mo dito? May bagyo, ah!" tanong na lang niya kahit pa sa kabilang bahay lang naman ito nakatira at madalas talaga itong pumunta sa kanila. "Ito naman, ang sungit mo. Hindi mo ba ako na miss? Ang tagal nating hindi nagkita. Lagi ka na lang busy sa work mo!" madramang sabi nito. "Anong pinagsasabi mo d'yan. Nung isang araw lang makasama tayo, ah!" "Kasama nga kita, tulog ka naman." Napangiti siya. Totoo naman kasing nakakasama sila dahil nagpipilit itong ihatid siya sa opisina o di naman kaya ay bigla itong magsasabing hinihintay siya nito sa labas ng kanilang building upang sunduin kahit na nga gabing-gabi na. At sa mga pagkakataong iyon ay hinahayaan siya nitong makatulog sa byahe na pabor naman sa kanya. Tumayo siya at tumabi dito upang hagkan, "Kaya super thankful ako sa 'yo, eh." "Anong thank you!? May kapalit `yon," sabi nito saka nilamutak ang kanyang mukha kaya kahit anong pagtutol ay hindi na niya nasabi. Tumigil lang ito nang may kinuhang card mula sa kung saan. "Oh..." "Ano 'yan?" tanong na lamang niya ng abutin at buksan ang card. "Birthday ko na sa Saturday. At magpapaparty si mama, as usual. Pumunta ka, ah! Kailangan nandon ka." "Oo na. Lagi naman akong pumupunta tuwing birthday mo." Narinig niya ang pag-hagikgik nito. Mahina lang iyon ngunit alam niyang totoo ang saya sa tawang iyon. "Salamat, Yahoo!" pagkatapos ay niyakap na siya nito ng mahigpit. Sa kabila nang pagiging mapang-asar nila sa bawat isa ay napakalambing din naman nila sa isa't-isa. Dumating ang araw ng Sabado. Ginanap ang party sa malawak na glass garden sa Pasig. Napakaganda ng buong paligid, magarbo, at napakarangya ng lahat sa tema nitong puti at ginto. Nakita niya si Calvin kasama ng Mama nito na si Elsa habang ipinapakilala ang binata sa mga amiga nito. "Ang gwapo ng mokong. Naka-tuxedo pa," bulong niya. Bahagyang ding naka brush up ang buhok nito at maganda ang pagkakatindig nito kaya naman hindi na nakakapagtaka na ang mga kadalagahang anak ng mga amiga ni Elsa ay todo pagpapaganda sa harap nito. Napatingin si Kasandra sa suot na navy blue lady dress. Napakasimple lang niya idagdag pa ang manipis na make-up at nakatali sa kalahati ang kulot niyang buhok. "Uy... Si Ate biglang na insecure." Biglang sabi ng nakababata niyang kapatid na si Juvy. "Ang gwapo ni Kuya Calvin, 'no! At na-i-insecure ka sa ibang mga dalagang nandito sa party niya?" "Shut up!" pagsusungit niya at dumeretso na sa kanilang lamesa. "After all this years, ngayon pa ba ako ma-i-insecure? Eh, sa tuwing birthday n'ya laging ganto ka garbo ang handaan pati na rin ang mga bisita nila." "Sus! Kunwari ka pa. Kaya nga suwerte tayo dahil bukod sa kapit-bahay natin sila, bestfriend pa si Mama at tita Elsa." "Suwerte tayo kasi makakakain na naman tayo ng mga masasarap na pagkain?" "Tumpak!" nagtatawanan silang magkapatid nang biglang may kawayan si Juvy sa likod niya. Nang lumingon siya ay agad niyang nakita si Calvin na papunta na sa kanilang direction. "Yahoo!" masayang bungad nito sa kanila at paakbay na niyakap siya. "Akala ko hindi ka na darating! Hello, Tita! Hello, Tito! Hello Juvy!" "Happy birthday, hijo," panabay na sabi ng mga magulang niya at nakipagbesobeso. "Hello, Kuya Calvin! Happy Birthday! Ate, ibigay mo na ang gift natin!" Agad itong lumingon sa kanya at 'di matawaran ang magandang ngiti nito nang iabot niya ang isang kahon. "Salamat!" muli itong tumingin sa kanya at inakbayan, "Yahoo, alam mo ba kung anong gift sa akin nila mama?" "Infiniti Q50." Nagtatakang tumitig ito sa kanya nang sinabi niya ang sagot. Alam kasi talaga niya ang sagot dahil bukod sa siya ang tinanong ni Elsa sa gusto nitong regalo ay siya rin mismo ang namili ng desenyo niyon. "Ba't alam mo?" "Magaling ako, eh!" pang-a-asar niya rito. "Sus... Yabang. Tinanong ka ni Mama, noh!?" Nag-eenjoy pa sila sa pagkukulitan nang lumapit ang coordinator ng kasiyahan dito dahilan upang maputol ang kanilang usapan. "Yahoo, iwan ko muna kayo. Tita, Tito, may aasikasuhin po muna ako." Kinurot nito ang pisngi niya, "Kumain ka, ah... Madaming pagkain d'yan. Juvy, bantayan mo Ate mo, ah." "Yes, Kuya!" "Ako pa ang babantayan. Tsk..." Umalis na ito sa table nila at 'di nagtagal ay nag simula na ang programa ng kasiyahan. Ilang tugtugan, palaro, trivias, video message, at music video mula pagkabata ni Calvin ang ipinakita ng masiyahing host. Napangiti siya ng ilan sa mga pictures, at video ay magkasama silang dalawa. Ganoon na pala katagal ang pinagsamahan nila ng matalik na kaibigan. Makalipas ang ilang oras ay nag-open dance floor na sa naturang pagtitipon. Ngunit ang kawawa niyang kaibigan, hayun at hindi pa rin makakain sa pag-aasikaso ng mga bisita. Ni inumin ang hawak nitong wine ay hindi nito magawa tapos may mga haliparot pang umaaligid sa paligid nito. Napahalukipkip siya. Tsk… Kailangan na niyang isa gawa ang plano. Nag-ayos muna siya ng sarili. Nakakahiya naman kasi sa mga kausap nitong businessmen. Nang tumayo siya ay pasimpleng kumindat siya kay Juvy na nakakaalam din ng kanyang plano. Ito na ang bahala sa mga magulang nila pagkatapos ng gagawin niya. Suwabe lang ang paglapit niya sa pwesto nila Calvin. "Good evening, gentlemen!" Bungad niya at ngumiti ng napakatamis-tamis. Lihim na natawa siya sa itsura ng mga kausap ni Calvin matapos siyang magpa-cute. Natulala kasi ang mga ito. Tumaas na naman ang confident niya sa simpleng maganda na meron siya. "Hi!" sabi ng mga ito ng makabawe 'di kalaunan. "Bro, Why you didn't say there's a beautiful gorgeous lady here?" sabi nung isa at nginitian siya. Humawak naman si Calvin sa balikat niya, "Liam, Pare, back off. Bestfriend ko ‘tong si Kasandra at pinagbabawalan ko pa syang magkaroon ng boyfriend." 'Loko 'to... anong pinagbabawalan?' Aniya sa kanyang isipan. Kaya pa-simpleng siniko niya ito sa tagiliran ngunit tila wala naman itong epekto sa binata. "'Lol mo, pare. Bestfriend pero binabakuran," wika ng isa sa mga ito, na kung hindi siya nagkakamali ay si Kervin. Naging dahilan nang tawanan ng grupo ang kumento nito. Habang siya ay tahimik na nagpapanggap na hindi maka-relate sa pinag-uusapan. Hindi nagtagal ay tumikhim na siya. "Ah... excuse me lang, ha. Hihiramin ko muna ‘tong 'bestfriend ko'," pakikisakay na niya sa trip ng mga ito dahilan para sa mulang hagikgikan ng mga kalalakihan. "Go on," sa wakas ay wika ni Kervin. "Sige, Pare." Pagpapaalam na ni Calvin sa mga ito. "Happy birthday ulit!" sabi naman nang lalaking tinawag na Liam. "Saan mo ako dadalhin? Pasaway ka talaga," sabi nito pero ngiting-ngiti naman sa tagumpay na pagkuha ko rito. "’Di mo pa ako nasasayaw, eh. Samantalang halos lahat ng mga babae dito ay naisayaw mo na," palusot niya at pumuwesto malapit sa isa sa mga pinto palabas ng hardin. Agad naman siyang sinayaw nito. Hinapit nito ang kanyang bewang dahilan upang magdikit ang kanilang mga katawan at mapahawak siya sa dibdib nito. "Ikaw naman, selos agad," pilyong sabi nito kalakip ang isang pamatay na ngiti. "Alam mo namang laging ikaw ang priority ko." "Kapal mo, ha!" inirapan niya ito na ikinatawa lang ng kaibigan at walang dalawang isip na pinanggigilan ang kanyang pisngi. "Aray!" sigaw niya. Sa kanila niyon ay masaya siya. totoo kasi na lagi siyang inuuna nito kahit na noong mga panahong may iba itong girlfriend. Iyon nga lang siya na ang kusang umiiwas. "`Cute mo talaga." "Che!" Nagsayaw na sila sa malamyang musika. Mula sa pagkakalunod sa magandang tugtugin ay unti-unting inilapit nito ang mukha sa kanya. Ipinatong nito ang sariling noo sa kanyang noo at malayang pinakatitigan siya nito ng husto. Alam niyang binigyan na niya ng mataas na pader ang puso niya para sa binata ngunit gaano pa man kataas iyon ay may mga pagkakataong nag-uumapaw pa rin ang kakaibang damdamin niya para dito. "Kasandra, thank you, ha... Iyon ang unang tawa ko na totoo ngayong araw. Thank you din kasi pumunta ka. Natutuwa talaga ako pag nandyan ka lang sa malapit. Sumasaya ako," seryosong sabi nito. Nahihirapan na siya sa paghinga at nagsisimula nang kumawala ang kilig na itinatanggi niya kaya simple niya itong itinulak. "Ano ako? Clown?" Muli itong tumawa habang siya ay abala sa pagpapakalma ng sarili niyang damdamin. At bago pa niya makalimutan ang plano ay inayos na niya ang isipan. Tumingin siya sa paligid at nang makasiguradong maaari na niyang gawin ang susunod na hakbang ay hinawakan na niya ang kamay nito at dahan-dahang lumabas sa glass house patungo sa hardin. Ilang bisita na ang naroon upang pagpahangin at ang iba ay upang kumuha ng magandang litratro ng lugar. Ngunit 'di tulad ng mga ito sila ay nagpatuloy sa paglalakad patungo sa kabilang panig ng hardin kung saan naka parada ang bagong luxury car ng binata. Pagdating doon ay masayang ibinigay niya ang duplicate ng susi ng sasakyan sa binata. Alam kasi niya na hindi agad ibibigay nila Tita Elsa ang susi ng sasakyan kay Calvin dahil magpupumilit agad ito na i-drive ang sasakyan. Siya naman ay kinuha na kaagad ang kopya ng susi mula sa ahente niyon. Agad na kumislap ang mga mata ni Calvin at mahigpit na niyakap siya. "Salamat, Yahoo!" "Mamaya ka na mag-thank you. 'Di pa ako tapos," pagmamayabang niya. Nag-smirk ito at bilang sagot ay ginaya niya ang malokong ngiti ng kaibigan. Agad silang sumakay sa bagong sasakyan at tulad ng inaasahan ay tuwang-tuwa ito sa pagda-drive. Ninamnam nila ang masayang trip kasabay ng maingay na musika ng sasakyan. Matapos ang masayang byahe ay nauwe sila sa pagtambay sa seaside. Maganda ang lugar at sariwa ang hangin. Kita ang ilang bituwin mula sa kalangitan at maliliit na ilaw mula sa mga sasakyang pang tubig at isla mula sa kabilang dako ng karagatan. Tahimik lang sila habang naka upo sa harap na parte ng kotse at pinagmamasdan ang paligid ng makarinig siya ng kakaibang tunog. Napatingin siya sa katabi at impit na natawa. Tulad ng inaasahan niya ay gutom na ito. At dahil handa siya ay agad niyang binuksan ang kotse at kinuha mula sa backseat ng sasakyan ang isang basket puno ng pagkain. "Ano 'yan?" tanong nito. Iniabot niya ang tatlong tupperware na may lamang kanin at mga ulam sa binata. "Ako nagluto niyan! Adobo at bicol express," pagmamayabang pa niya bago masayang pumuwesto sa malawak na seawall. "Wow! Salamat!" sabi nito nang sundan at tabihan siya upang agad na makakain. "Kanina pa ako nagugutom, eh. 'Buti na lang talaga andyan ka. Kaya mah---" Inihit ito ng ubo. Pano kasi kumakain na nga, daldal pa ng daldal. Iniabot niya dito ang dalang bottled water saka hinimashimas ang malapad na likod nito habang umiinom ng tubig. "Ayan kasi... parang bata!" natatawang kantiyaw niya. "Kapag sa iyo lang naman," sabi nito nang makabawe. "Pinagmalaki mo pa." Hindi na siya kinibo nito hanggang sa naubos na nitong lahat ang pagkain. Natatawa habang napapailing na lang siya. Parang bata pa rin talaga ang kaibigan. Ngunit masaya siya na siya ang nakakakita ng parteng iyon ng binata. Nang matatapos na itong kumain ay inilabas naman niya ang dream cake na siya mismo ang nag-bake. Sinamahan na rin niya iyon ng maliit na kandila upang may mahipan ito. Ngunit dahil sa lakas ng hanggin mula sa dalangpasigan ay hirap na hirap ang dalawa na mapanatiling naka sindi ang apoy ng kandila. Kaya sa huli ay nagmamadaling kumanta sila ng Happy Birthday song habang walang humpay sa pagtawa. "Happy birthday to you... Happy birthday to you... Happy birthday, happy birthday... Happy birthday Calvin!" Hindi pa rin matanggal ang ngiti sa mga labi nito habang nakatitig sa kanya. Tuluyan nang namatay ang maliit na apoy sa lakas ng hangin ngunit ang mga mata nitong walang tigil sa pagkislap ay matamang nakamasid pa rin sa kanya. "Ayaw mo ba?" nagtatakang tanong na niya. Umiling ito at yumakap sa kanya. "Nagustuhan ko. Salamat." Sa kabila ng pagbilis na pagtibok ng kanyang puso ay agad niyang binasag ang katahimikan. "Ang drama mo... Mag wish ka na kahit wala nang apoy ang kandila. Tomgutz na din ako, eh." Bigla itong tumawa at bumitaw. "Kulit mo talaga," sabay kurot sa ilong n'ya. Matapos kainin ang dala niyang cake ay naglahad ng kamay si Calvin sa kanya. "Para saan 'yan?" nagtatakang tanong niya sa kaibigan. "Regalo ko?" tugon nito sa tanong niya. Napabuga siya ng hangin. "Binigay ko na, ah!" Reklamo niya sa dami ng binigay at ginawa niya dito ay naghahanap pa ito sa kanya. "Hindi iyon. Regalo sa akin 'yon ng family mo. Yung sa 'yo wala pa." "Anong tawag mo sa kinakain mo at sa lahat ng ginawa ko?" "Pagkain." Sa totoo lang ay napipikon siya pero may tama naman ang binata. Kilala talaga siya nito. Alam lagi nitong may nakabukod siyang regalo para dito. Ngunit sa pagkakataong iyon ay hindi niya alam kung ibibigay talaga niya dito ang sariling regalo. "Bilis na kasi…” Sa huli ay wala na siyang nagawa kung hindi ang dukutin mula sa basket ang may kalakihang parihabang kahon. "Oh!" aniya na ikinangisi nito bago agad na binuksan ang kahon. "Uy! Mabuti naman at tinapos mo na!" tukoy nito sa personal pencil art niya ng binata. Bukod sa mahilig siya sa mga arts at paintings ay hilig din niya ang pagguhit. At mula pa noon ay matagal na itong humihiling na iguhit niya ito. Ang hindi alam ng binata ay marami na siyang sketch nito mula pa noon. Ngunit dahil sa hindi niya maunawaang dahilan ay ayaw niyang makita o malaman iyon ng binata. Pero ngayong nakita niya ang saya nito ay tila nagdadalawang isip na siya. Nakakatuwa pa lang makita na nagustuhan nito ang gawa niya. "Ano ba! baka matunaw na yan sa kakatitig mo!" Titig na titig kasi ito sa gawa niya. “Pangit ba? Hindi ba kita naiguhit ng maayos?” pag-aalala nang muli niya. "Hehe... pasensya na. Masaya lang talaga ako. Saka, parang may kakaiba lang. Ewan, napansin ko kasi sobrang gwapo ko yata dito," sagot nito. "Panget ka kasi! Kaya pinaguwapo na kita d'yan," panimulang asar niya. "Ah ganoon!" Bigla itong humarap sa kanya at tinadtad siya ng kiliti. Wala siyang magawa kung hindi ang mapasigaw na lamang. Nang huminto ito ay pabulong itong nagsalita, "Ayaw pa kasing umamin na nagagwapuhan sa 'kin, eh..." "Yack!" Hinawakan nito ang ulo niya, "Ayos lang naman eh… As long as you won’t fall in love with me?" Inirapan niya ito. Ayaw din naman niya dahil baka ikasira lang iyon ng magandang relasyon na meron sila ngayon. So no, she won’t fall for him. ~o0o~

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Professor's Wife

read
465.5K
bc

The Crowned Mafia Boss: His Obsession [Completed] Tagalog

read
1.3M
bc

Married At Eighteen ( R18+ )

read
778.6K
bc

Married To A Billionaire

read
1.0M
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

My Possessive Boss (R18 Tagalog)

read
582.8K
bc

My Husband's Secretary (TAGALOG)

read
1.4M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook