PAULINE POINT OF VIEW Sa paglabas namin ni Achiara, hindi namin nakita sila inay o maging ang kalesa na sinakyan namin kanina. “Mukhang nasa trabaho pa sila inay at itay. Maghintay muna tayo sandali, baka maya-maya nandiyan na sila,” saad ko habang palinga-linga. “Sige, maghanap tayo ng pwedeng masisilungan dito,” tugon ni Achiara at iyon ang ginawa namin. May malaking puno kaming nakita malapit lang sa tarangkahan ng paaralan. Napangiti ako nang makita kong may mauupuan doon dahil noon wala ito. “May upuan na pala riyan,” ani ko. “Ah, oo, nang nakaraang araw ginawa iyan. Tara, maupo na tayo at masyado pang mainit,” sagot niya. Habang nakaupo kami at naghihintay ay palinga-linga pa rin ako. “Ah, siya nga pala Pauline. Gusto sana kita yayain sa may bagong pamilihan malapit sa pal

