Leydell SAGLIT na nag-hang ang isip ko sa ibinalita sa akin ni Zenon. Ngayon na hindi ko makita si Cameron at pagkatapos ay bibigyan ako ng ganitong klase ng problema… Para bang hindi ko maikonekta ang lahat. May nagawa ba kami sa nakalipas para maranasan ang ganito? Gayunman, nitong mga nakaraang buwan, mas binuksan ko na ang isip ko sa nakalipas. “Wala akong ginawang kasalanan sa daddy mo, Z? Bakit niya ‘yon nagawa sa ‘kin?” iyon lang ang naitanong ko sa kanya. “It’s Jenna. Natakot si daddy dahil siya ang driver ngunit biglang iniliko ni Jenna ang manibela ng sasakyan kaya ka nito nabundol. He was scared because he was distracted by the phone call. Katatapos lang noon ng gulo naming dalawa at natakot siya. Ngunit hindi niya alam na nagdadalang-tao ka noon. Nalaman niya na lang daw

