Leydell MY HEART beats faster as I talk to Lizel on the phone. Nasaan ang mga ito? “WHERE are you? Where is Cameron?” tanong ko sa kanya. “Narito kami sa— I don’t know! I— We are hiding in one fast food,” umiiyak niyang tugon na halatang walang maisip na maayos. “Hindi ko alam kung saan kami pupunta kaya narito lang kami. Kanina pa kami tinitingnan ng mga staff at guwardiya. Narito kami sa Cubao dahil dito ang destinasyon ng bus na sinakyan namin.” “Pupuntahan namin kayo. I-text mo sa akin ang eksaktong lugar.” Pinutol ko ang tawag at saka nilingon si Zenon. “Was that Lizel?” tanong niya. Tumango ako. “Kasama niya si Cameron. Babe, puntahan natin sila sa Cubao. Naroon lang daw silang mag-nanay.” Mabilis niyang pinaandar ang sasakyan para puntahan ang destinasyon namin. “

