Leydell BINABALOT ng pag-aalala ang damdamin ko. Hindi ko mapigilan na lumuha habang si Cameron naman ay nagawa ko nang patulugin habang nasa biyahe kami. Tahimik si Zenon at talagang hindi siya tumitingin sa likurang bahagi ng sasakyan para siguro hindi siya ma-distract sa pagmamaneho. Kagabi lang ay walang sawa naming ipinaramdam kung gaano namin kamahal ang isa’t isa. Magulo ag isip ko ngunit kung naniniwala ako na mahal ako ni Zenon, maiintindihan niya ako. Kailangan namin siya ni Cameron, kailangan ko siya. Nang makarating kami sa parking ng gusali kung saan kami nakatira, siya na ang kusang nagbuhat kay Cameron na natutulog patungong elevator. Tahimik kaming dalawa at walang salitang nais lumabas sa aming bibig hanggang sa makarating kami ng unit niya. “Ako na ang mag-aas

