Leydell “KUKUNIN ko sa’yo si Cameron kung sakaling maghiwalay kami ni Mildred,” iyon ang natatandaan kong banta sa akin ni Carlos nang huli kaming mag-usap. Ngayon sa silid kung saan ko kasama si Anthony at Zenon, gumagapang ang takot sa akin sa mga posibleng mangyari. Nakatayo si Zenon sa pintuan na para bang anumang oras ay lalabas siya sa buhay ko. Si Anthony naman ay nakayuko at hindi makatingin sa akin. Nagsisimula na akong umiyak nang magpatuloy si Anthony. “Nahilo si Leydell kanina kaya sinamahan ko siya rito sa cabin, ngunit ayos na siya kaya nakiusap siya sa akin na huwag nang sabihin pa sa ‘yo,” paliwanag niya. Bahagya siyang ngumiti kay Zenon. Tila ako nakahinga nang maluwag sa kanyang sinabi. Lumapit sa akin si Zenon at saka ako niyakap. “Are you alright? Masyado

