Leydell GUILTY ako. Iyon ang totoo kaya umiwas ako sa tanong ni Zenon nang ipaalala niya sa akin ang tungkol sa ate niya. Hindi namin pinag-uusapan si Noelle dahil natatakot ako sa nakikita kong lungkot sa kanya. Zenon proposed to me on that day! How cruel was that? Kaysa iselebra ang proposal niya sa akin, mas kailangan naming magluksa. Iyon ang topic na talagang iniiwasan ko. Lumipas pa ang ilang araw. Bibihira kaming magkaroon ni Zenon ng pagkakataon na makapag-usap dahil sa magkaibang time zone naming dalawa. Nalaman ko rin na pinakawalan niya si Jerome sa huli. Dahil ibinigay ko sa kanya ang desisyon, hindi ako nagkomento tungkol doon. Gayunman, nalungkot pa rin ako para kay Jerome. Nagkakaroon lang kami ng pagkakataon na magkumustahan kapag umaga sa Pilipinas o kaya naman ay

