Zenon Mainit ang ulo ko sa loob ng tatlong araw. I wanted to scream or beat my asshole father. Biyernes nang dumating si Jenna sa resort. Kaswal ako na hinarap siya. “Salamat, Zenon! Hindi ko akalain na makikita kita rito. Akala ko ay nasa Makati ka,” aniya. I’m not sure if she was honest about it, or perhaps she was guessing. I’m sure she knows that the main reason why I am hiring her is that I need help, right? Gayunpaman, napili ko na magpakaginoo. “Nakabakasyon ako sa opisina. At saka, umuwi sa kanila ang manager ng resort kaya walang maaasahan sa ngayon dito kung hindi ako,” kaswal kong sagot. “Oh! Nasa’n si Leydell?” Lumingon ako sa kanya na bahagyang nakakunot ang noo. She was still in her curious look. May kung anong emosyon sa kanyang mukha na hindi ko mabasa. Was she

