Leydell KASALUKUYAN... “SORRY… Hindi mo na kailangan pang ipaliwanag.” Ito ang sinabi ko kay Zenon bago kami magtungo sa restaurant. Kumuyom lang ang kanyang kamao at tila naiintindihan na rin niya na hindi na niya kailangan pang ilahad ang nakaraan at tungkol sa kanila ni Jenna. Ngunit ngayon na parehas kaming nakaupo sa dining table, maraming tanong muli ang naglalaro sa isip ko. Pinunasan niya ang bibig ni Cameron gamit ang tissue. Kumakain kasi ito kasalukuyan ng chicken steak na personal na luto ng una. Puna ko na masaya si Cameron sa kanyang presensiya. The both of them. Damn it! Bakit kailangan niyang maging guwapo sa paningin ko? I hate the fact that I am still affected by his every move. Ngunit alam ko na imposible nang magkaroon pa ng pangalawang pagkakataon sa pagitan nam

