Leydell ZENON still affects me — that is the fact! Naluha ako matapos kong maalala ang nakaraan, ngunit nabigla ako nang paalisin ako ng kanyang condo unit. Bakit galit siya sa akin? Hahanap na muna ako ng trabaho. Kapag nakakita ako ng matinong mapapasukan ay saka ko sasabihin kay Carlos ang relasyon ko kay Zenon. Sigurado ako na magagalit siya, ngunit may karapatan nga ba siyang magalit? Halos ayaw niyang tapunan ng atensiyon si Cameron kaya kung masaya man ito kay Zenon, wala sigurong magagawa si Carlos. Nagpadala ako ng text kay mommy. How I wish narito lang siya sa malapit. Disoras ng gabi muli sa kanya, ngunit kilala ko ang aking ina, hindi rin naman siya natutulog sa maagang oras. May business siyang inaasikaso at mas gusto niyang magtrabaho sa gabi. Can I call you? Iyon ang

