"Sa silid mo?!" Bulalas ni Bettina nang iutos niya sa kasambahay na dalhin ang mga gamit nito sa silid niya. "Yes, sa silid ko, Bettina. May mali na roon?' Tanong niya rito. "Pero bakit sa silid mo? Pwede naman ako sa guest room, o di kaya kahit saang silid na available," saad nito habang nakatingin ito sa kanya. "Nasa loob ka na ng bahay ko, Bettina at mapagkakatiwalaan ang mga kasambahay ko rito at lahat ng tauhan ko. Hindi nila ipagkakalat kung ano ka rito sa bahay ko," paliwanag niya rito. "Hindi iyon ang ibig kong sabihin Harold," Bettina said. "Eh ano?' Tanong niya rito. Hindi siya nahirapan na mapapayag ang Daddy ni Bettina na ngayon pa lang magsama na sila ng dalaga, kahit hindi pa sila nito kasal. Medyo naawa nga siya kay Bettina dahil ramdam niya ang kawalan nito ng halaga

