Pagkatapos niyang magbabad ng halos kalahating oras sa bathtub para maalis na ang amoy ng alak sa kanyang katawan, medyo naamoy pa rin kasi niya ang alak. Buti na nga lang at hindi siya naamoy ng Mommy at Daddy niya kanina, kung nagkataon magagalit na naman ang Daddy niya sa kanya. Binalot niya ng roba ang kanyang hubad na katawan at lumabas na ng silid para magbihis at magpahinga na. Masyadong marami ang nangyari ngayong araw at talagang napagod siya. Bukas na lang ng umaga siya pipili ng kanyang susuotin para sa panunumpa ng ama sa munisipyo, kung saan manunumpa din si Harold ng pagka Mayor, kaya dapat lang na mapili niya ang the best na isusuot para bukas. Tinatali pa niya ang roba nang makalabas na ng pintuan ng bathroom natigilan siya at halos mapatili pa nang makita niyang may tao

