Inihatid niya si Bettina sa bahay ng mga ito at siya na rin ang nagpaliwanag sa Mommy nito kung bakit hindi nakapunta si Bettina sa boutique kung saan ito pinapupunta pala ng Mommy nito, para mamili na ng isusuot nito bukas. Bukas na kasi ang panunumpa ng Daddy ni Bettina at siya sa kanilang tungkulin sa bayan ng Sta Lucia. "It's ok, Harold. Nagpadala na ko ng mga pwedeng pagpilian ni Bettina para bukas," nakangiting tugon ng Mommy ni Bettina habang nakatayo sila ni Bettina sa harapan nito sa may sala. Bago sila umalis ni Bettina sa bahay niya hinintay na muna niya ang dress na pinabili niya sa tauhan niya para may maisuot ang dalaga pauwi ng bahay ng mga ito. Hindi pa kasi tuyo ang dress na suot nito na nilabhan pala ni Manang Nimfa matapos niyang pabihisan si Bettina rito. Kinailangan

