Nagising siya dahil pakiramdam niya may nakatitig sa kanya. Pagmulat ng kanyang mga mata puting kisame ang agad niyang nakita. Muli niyang pinikit ang mga mata nang maramdaman ang tila pagkahilo "Damn," mura niya habang nakapikit pa rin ang mga mata. "Are you awake?" Nagulat siya nang marinig ang tinig ng isang lalake. Bigla siyang nagmulat ng mga mata at nakita si Harold na nakatayo sa may paanan ng kama at nakatingin sa kanya. "Harold!" Bulalas niya at napabalikwas ng bangon mula sa pagkakahiga. Naupo siya sa kama at naramdaman ang pagkahilo. "Ah... Damn it," mura niya dahil nahihilo talaga siya. "Magpahinga ka pa, may hangover ka pa," Harold said to her. "Hangover?" She asked at nagbukas siya ng mga mata para sulyapan ito. Nakatingin pa rin ito sa kanya. Oo nga pala uminom siya

