"Naku po! Sir Harold ano po ang nangyari?!" Bulalas sa kanya ni Manang Nimfa na siyang mayordoma sa kanyang bahay nang makitas siya nitong paakyat ng hagdan habang buhat-buhat niya si Bettina na bigla na lang nawalan ng malay o nakatulog dahil sa sunud-sunod na pag inom ng alak. Alam naman niyang posibleng malasing si Bettina kanina sa alak na ininom nito ng alak. Mabuti na lang din at tapos na silang mag-usap nito bago ito nawalan ng malay, mabuti na lang din at naging alerto siya at nasalo niya ito bago pa man ito bumagsak sa sahig. "Nasobrahan lang po sa inom ng alak," tugon niya sa kasambahay. "Ay.. Ganun po ba Sir," saad nito sa kanya habang tinitignan ang mukha ni Bettina na medyo natatakpan sa buhok nito. "Manang Nimfa pwede niyo po ba siyang bihisan?' He asked at huminto sa pag

