"Saan ang ganap ni Papa Mayor ngayon?" Maarteng tanong ni Zhell habang naga-apply ng make up sa mukha. "Wala akong nasagap, masyadong private si Mayor. Isama pang wala akong access sa mga tauhan niya," tugon ni Monica habang busy sa pag scroll sa cellphone nito. "Kanina pa nga ako naghahanap ng ano mang post related kay Mayor, pero wala talaga,' saad pa ni Monica. "Alam mo ako din. Napuyat pa nga ako sa kakahanap kay Mayor sa social media. Pero wala siyang sariling account," Zhell said. Tahimik naman siya sa isang tabi habang nakikinig sa usapan ng dalawa. Siya man walang makita ng kahit ano about kay Mayor Alcantara. Katulad din ni Zhell napuyat siya sa pag-asang may mahanap about Mayor Alcantara pero wala talaga. "Ikaw, Bettina may idea ka ba kung nasaan ngayon si Mayor Pogi?" Monic

