Hanggang sa makauwi siya ng bahay nakatulala siya at hindi makapag isip ng tama. Klaro naman ang narinig niya kanina na pinag-uusapan ng Daddy niya at ni Mayor Alcantara na pakakasalan ni Mayor Alcantara ang Ate Juliet niya. "Ano po ba ang meron sa weekend Dad, bakit parang may pa party?' Narinig niyang tanong ng Ate Juliet niya habang sabay-sabay silang naghahapunan. Kumpleto sila sa hapag at sabay-sabay kumakain. Kahit gaano sila ka busy hindi pwedeng hindi sila sabay kumain sa hapag. Isa iyan sa tradisyon ng kanilang pamilya. Always complete. "A special day, my dear," nakangiting tugon ng Daddy niya sa kapatid. "Tama ang Daddy mo special ang araw na iyon kaya mag ayos ka Juliet. Bumili ka ng bago mong evening dress," saad naman ng Mommy niya. "Sino po ba ang mga bisita bakit kail

