"WHAT do you think?" tanong ko kay Belle at nagtungo sa gitna ng dalawang mannequin na nakasuot ng office attire. Nanunuring tiningnan ni Belle ang mga damit na itinuro ko hanggang sa itinuro niya ang nasa kaliwa ko. "I prefer this one, Ate Chloe. It looks simple yet elegant," aniya dahilan para tingnan ko ang napili niyang damit. Tumango-tango ako at sumang-ayon sa kanya. "But I also want this one," usal ko at itinuro ang isa sa pinagpipilian ko. "I'll just buys these two." Natatawang napaling na lang si Belle at tumango-tango. Nang masabi ko na sa sales lady ang mga bibilhin ay muli pa kaming naglibot ni Belle sa buong store, naghahanap pa ng ibang mabibili. Since I came back here in Marikina, this was the first time I went outside to go shopping. Sa lumipas kasing isang linggo ay

