It's hard
Leaving you that way when I never wanted to.
Self-denial
Is a game a stranger I never would want until
There was you- K.Nadal
“What do you want?” masungit na saad ko kay Silver ng lumapit ito. I’m not in a mood to associate with anyone today. Ibinalik ko muli ang tingin ko sa script na binabasa ko kani-kanina.
“Ang sungit mo, meron ka ba ngayon?” lalo ko naman itong sinamaan ng tingin dahil sa sinabi nito actually iyon rin ang reason kaya ayokong may lumalapit saakin ngayon even my PA ayaw niya masyadong masungitan ko kaya hindi ito naglalapit saakin dahil na train na siya. At dahil malakas ang loob ng isang ito kaya mukhang sakanya mabubuhos ang lahat ng sama ng loob ko.
“You know what, Silver, kung gusto mo pang mabuhay lumayo-layo ka saakin ngayon.” Naiiritang sabi ko. Mukha namang wala itong narinig at talagang kumuha pa ito ng upuan at tumabi saakin.
“Nagrequest ang PA mo natulungan kita sa script mo. Nagsusumbong siya dahil kanina mo pa siya pinapagalitan kahit maliit lang na bagay.” Paliwanag nito. Kinuha niya ang another copy ng binabasa ko na kanina lang ay pinapabasa ko kay Nancy.
“Paano kasi, babasahin lang naman niya hindi pa niya maayos. Matagal na naming ginagawa ito pero hindi niya pa rin magawa ng maayos.” Kontra ko naman.
“Baka naman kasi hindi naman talaga iyon ang dahilan kaya ka nagagalit ng ganyan.” Patay malisyang turan nito.
“So anong gusto mong sabihin, na may iba pa akong dahilan?” sarcastic na pagkasabi ko. Napailing na lang ito at binukla ang script.
“Patingin nga kung nasaan na yung binabasa mo?” bigla naman nitong hinablot ang script ko at binalik rin yun saakin ng makita kong saan ako tumigil magbasa.
“Hindi ko sinabing kailangan ko ng tulong mo.” Pagtataray ko ulit dito. Bakit ba ang kulit ng lalaking ito ngayon?
“Hindi tatalab yang pagmamaldita mo saakin. Sanay na ako, araw-araw kong nakakasalamuha ang mga kapatid at mama kong mas maldita sayo. Kaya naiintindihan kita.” I think this won’t work. Baka mauubos lalo ang energy ko sa lalaking ito kapag lalo akong makikipag-argue pa sakanya. I’ll save my energy para mamaya sa taping. “Okay, dito tayo sa part niyo ni Miguel. I like this one.” Napakunot naman ang noo ko sakanya at tinignan ang sinasabi niya.
Miguel ay ang charter ni Sage. Sa part na ito ay gusto ng tangaping ng bida na wala na talaga sila kaya pinapayuhan na siya ni Miguel which is kaibigan ko siya rito at siya ang tumulong saakin sa mga naging journey at revenge ko pero siya rin pala ang tutulong rin saakin na makipagmabutihan at makapag-usap kami ng maayos ni France which is Silver na tanggapin ang pasya ng isa’t isa. Actually, sa tingin ko malapit na sa ending itong ginagawa namin hindi rin ako makapaniwalang ilang months na rin pala noong nagstart kami ngayon matatapos na ulit.
***************
“If you really want to set your heart free, you need to talk to him first.” Sabi nito, ang corny ng line, but that’s it. Tinignan ko naman si Miguel pero nilihis naman nito ang tingin saakin. Bakit parang ibang ang nakikita ko sa mga mata niya? Hindi ko alam kung kasama pa ba sa acting, but I’m impressed that he's doing great.
“Gusto mo ba talang mag-usap kami?” Kalmadong saad ko habang hindi ko pa rin inaalis ang pagkatitig ko, gusto kong makita ang reaksyon niya.
“Of course, wala naman ng ibig sabihin sayo yun di ba?” At last, tumingin na ito wari’y nakikiusap na ito.
“Paano kung may narealize pala ako sa pag-uusap namin? Anong gagawin mo?” pag-chachallenge ko sakanya. Tinitingan naman ako nito ng mabuti kung seryoso ba ako sa sinasabi ko. Gusto ko ring ilihis ang pagkakatitig ko dahil naiilang na ako pero hindi pwede kaya hindi ko na namalayang mapakagat na ako sa ibabang labi ko. Hindi na ito kasama sa script pero satingin ko rin namumula na ako sa mga sandaling iyon.
“I will respect your decision in the end, ‘cause you know that’s all I wanted, I want you to find your true happiness. Your perfect happiness.” Lumapit naman ito saakin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko, pinunasan iyon at ngumiti saakin pero sa loob ko hindi yun ngiting masaya sa magiging resulta para bang pinangungunahan niya na ang mangyayari.
“And cut!!!...that was very emotional. I love this part and gusto ko yung adlib na ginawa niyo dalang-dala ng charter niyo pa rin. Hindi ko na yun tatangalin. Nadala ako sa last part na yun.” Komento ni Direct saamin. Hindi ko alam na naluha na ako sa harap niya at hindi dapat yun kasama sa script.
“You know what, You too have a future. Hindi ko alam na may chemistry kayo ni Miguel, I mean ni Sage at hindi lang basta iyon. Hindi niyo alam, baka pagkatapos ipalabas ito magdagsaan ang projects niyong dalawa na.” Dugtong pa niya. Gusto ko sanang maflatter sa sinabi ni Direct, pero hindi ko magawa. And as a professional, nagpasalamat na lang ako kay Direct sa mga co-workers ko at lalo na sa kay Sage. Naramdaman ko naman ang pagpisil ng kamay niya kaya tignan ko ito parang wala lang sakanya. Tinangal naman niya na ito at nauna ng umalis, kaya na pabuntong hininga na lang ako at pumunta na sa tent para kunin na ang mga gamit ko. Nakita ko na rin doon si Nancy na nag-aayos mga gamit namin. This is really a tiring day.
'Cause what I don't understand
Is why I'm feeling so bad now
When I know it was my idea.
I could've just denied all the truth and lied.
But why am I the only one standing stranded
On the same ground?
Katulad sa kanta hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko, kung ano ba talagang nararamdaman ko at nararamdaman ko para sakanya.