CHAPTER 13

2064 Words
I just sit in the dark and wonder if it's time Do I throw out everything we built or keep it?- T.Swift “How about you, Era? Are you open to having a relationship?” We are currently having a short interview, para lang siyang chikahan isa rin itong paraan to promote our movie. Sanay naman na ako sa mga interview, but I didn’t expect their question for me. Magkakasama kaming apat ngayon, nasa pagitan ako nina Eliza at Sage. Hindi ko alam kung bakit hindi ako komportable sa posisyon namin ngayon lalo na sa tanong saakin. “Era?” Para naman akong napabalik sa realidad ng marinig ulit ang tawag saakin. Napatingin naman ako kay Miss Reese na siyang nag-iinterview kasalukuyan saamin. Mukhang naghihintay rin ng isasagot ko at mukhang intersado rin ang mga kasama ko sa isasagot ko. Alam kong alam nila ang sagot pero hinihintay nila kung aamin ba ako. “No, I’m still focused on my career.” plain na pagkakasabi ko. Alam kong yun rin naman ang gusto niyang sabihin ko. Pero bakit pakiramdaman ko hindi iyon ang gusto nilang marinig dahil lalong lumamig ang paligid kahit alam kong malamig na rito. Naramdaman kong umayos ng upo si Sage, kaya bahagya ako nitong natabig. Hindi ko ba alam kong sinasadya niya yun kaya naman pasimple ko itong tinignan at hindi naman ito tumingin saakin pero seryoso itong nakatingin kay Miss Reese. “Masyado bang strick ang manager mo at hanggang ngayon hindi pa rin pwede? Just kidding.” Inisip ko naman kung strikto ba si Mom. Siguro dati, pero naalala ko strikto lang naman siya saakin sa mga kinakain at binibili ko kung anu-ano raw. Pero pagdating naman sa lovelife mas open pa siya keysa saakin. “Hindi naman, sadyang wala pa po sa isip ko yan.” Yah, just keep denying. Era pagbutihan mo pa. Hindi ko alam kong bakit ko ba ginagawa ito ng harapan. Siguro dahil naiinis lang ako at gusto kong may mapagbutungan. Hindi ko pa rin makakalimutan yung nangyari last week. Ngayon nakauwi na siya pero hindi ko man lang nito pinaalam kung hindi pa sinabing may interview kami hindi ko siya makikita rito. “Aw, kahit sabihin na lang magkacrush sa iba? Wala ka bang napupusuhan or hinihangaan? Sa mga co-star na nakasama or nakapair mo?” crush, of course, marami sa mga Holliwood celebrities pa lang hindi ko na mabilang pero hindi ko iyon sasabihin, sasagot na sana ako ng wala pero ewan ko ba at may ibang ideya akong naisip. “Actually, meron pong ilang,pero sabihin na lang natin yung pinakamalapit saakin. It’s Silver.” Sabay tingin ko rito at ngumiti ng nakakaloko. Mukha namang nagulat sila lalo na si Silver na hindi inaasahang binangit ko ang pangalan niya. Hindi ko naman siya talaga gusto pero siya yung masasabi kong naging close ko sa lahat ng nakasama ko sa project. “Hindi ko alam na meron ka palang hidden desire saakin ah.” Tukso pa nito. Nagtawanan naman ang mga ibang nanunuod na mukhang aliw na aliw at least kahit papaano ay parang nawala yung ackward ko sa pagitan ng dalawang katabi ko pero sila naman ngayon ang mukhang hindi natutuwa. “It’s not what you think. Don’t assume first. Lilinawin ko yung sinabi ko, hindi ko siya gusto hindi tulad ng iniisip niyo, romantically. I like him, as a friend, his really good companion. Alam ng lahat kung anong ugali ko pero hindi niya pinansin yun. Iyon ang isa sa nagustuhan ko sakanya.” Ganun rin naman si Sage saakin first encounter namin. Hindi ko alam na aabot ako sa ganitong estado para lang makita kong magseselos ito. But to think that his Sage alam kong iniisip lang nito ay para sa viewers lang. Kaya nasasabi ko ang mga ito. “Ouch, ang pranka mo talaga. Nafriend zone pa ako.” Kumento naman ulit ni Silver. “Woah, ibig sabihin may gusto ka kay Era?” “To be frankly, sinong hindi magkakagusto sa kanya? Nasa kanya na ata lahat at sa mga nagsasabing hindi maganda ang ugali niya. Totoo lahat ng iyon.” At tumawa pa ang loko. “I also like her as a friend at kung nakakasama niyo siya malalaman niyong hindi totoo ang sinasabi ng iba. Kaya sa magiging future nito, wag mo na siyang pakakawalan.” Hindi ko alam kung may pinapatamaan ba ito. “Aw, that was a thoughtful message of yours. Namiss ko rin tuloy yung bestfriend ko and speaking of bestfriend, Sage and Eliza are bestfriend in real life. Am I right? Pwede mo bang ikwento saamin Eliza kung ano yung samahan niyo ni Sage as best friend, on and off cam? Kung titignan mo kasi napakaprivate ng life ni Sage sa sobrang private ngayon lang namin nalaman na may bestfriend siyang babae. Pero kahit ganun hindi nakabawas yun ng maraming supporters niya.” natawa naman kami dahil totoo naman. “Well, childhood friends na po kami dahil magkapitbahay po kami dati pero noong maghihigh school bigla naman po kaming nagmigrate abroad kaya nawalan po kami ng connection sa isa’t isa. Then one time na makita ko po siya sa isang survival show doon ako naglakas ng loob na i-reach out ulit siya hindi ko alam kung natanggap niya and guess what after a year bago niya ako nireply. Nakakatawa lang dahil akala ko hindi niya na ako maalala pero hindi pala. Hindi pa rin nagbago ang ugali niya, yung akala ninyong napakaseryoso niya? well, totoo po talaga yun but his has the kindest and sweetest person I’ve ever met. At lalo kong napatunayan yun noong mawala ang dad ko at hanggang ngayon hindi pa rin niya ako iniiwan.” Pasimple namang tumingin si Eliza saakin at agad na humarap sa camera. “So, for the person who will ever love to Sage. I would say, please love him uncontionally.” Naramdaman ko namang humarap ito kay Sage pero parang saakin niya ring pasimpleng dinedirekta na sinabi niya. Hindi ko na lang ito pinansin dahil hindi ko alam kung saakin ba niya talaga sinasabi iyon. "And my message for you, Sage, is that I am committed to ensuring your happiness. You have always been my savior, and now it's my turn to repay all the help you've given me. I am grateful for everything you've done and I want to show my appreciation by being there for you in any way I can." ************** Ano kayang ibig sabihin niya doon? “Hoy, nakakatakot ka na kanina mo pa kinakausap ang sarili mo.” Napatingin naman ako kay Jhoanne na mukhang nagtataka. Hindi ko namalayang napalakas ko na ang mga nasa isip ko. “Mukhang sa ibang hospital na lang ata tayo pumunta. Kailangan na kitang ipatingin.” Hindi ko na lang pinansin ang sinabi nito dahil ang daming gumugulo sa isip ko ngayon. Papunta kami sa hospital ngayon para bisitahin si Elesse, yung babaeng yun. Parang kailan lang nung huli kaming nagkita okay pa naman siya. Hindi ko tuloy mapigilang mag-alala sakanya kahit ganun ang babaeng iyon nag-aalala pa rin ako. Si Jho naman ang nagbukas ng pinto dahil occupied ako sa iniisp ko kaya hindi ko alam na may iba pa palang mga bisitang naroon. Sinalubong agad kami ni Camila at ang asawa nito. Nandoon rin ang ang asawa ni Jho actually lahat silang magkakaibigan nandito hindi ko alam na pupunta rin si Sage. Hindi ko na lang ito pinansin at pinagtuonan ko ng pansin ay si Camila na umiiyak, siya ang pinaka emosyonal saaming lahat sa oras na iyon. Hindi ko siya masisi kahit ako rin gusto ko ring damayan siya kaso pinipigilan ko lang ang sarili ko, muntik ng mawala saamin ang isa sa kaibigan namin. “Kamusta na ang lagay niya?” tanong ni Jho kay Gette na unang nagsalita, hinintay ko na lang ang sasabihin niya. “Maayos na siya. Kailangan niya na lang bawiin ang lakas niya. Hindi lang ako makapaniwala na kayang gawin yun. Kapag nabawi niya ang lakas nirecommend ng doktor na mag-under go siya sa psychiarist.” Tumango lang ako at tinignan si Elesse habang mahimbing na natutulog nakita ko namang nakaupo si Wyn sa tabi nito at tahimik lang na binabanatayan ito. Mapait na napangiti na lang ako dahil kahit alam naming matagal ng naputol ang arrange marriage nila nandoon pa rin ang pag-alala nila sa isa’t isa at alam kong hanggang ngayon mahal pa rin ni Elesse si Wyn. Sa nakikita ko rin ngayon alam kong ganun rin si Wyn. “At kung pwede lang wag niyo muna siya pangangaralan paggising niya dahil hindi natin alam kung anong pinagdaraanan niya baka lalong matrigger siya.” Napabuntunghinga na lang kami. Tama si Gette hindi naman namin alam kung anong pinagdaraanan niya feeling ko nagfailed rin ako bilang kaibigan niya dahil hindi ko alam ang nangyayari sakanya naging kampante kami sa mga pinapakita niya kapag kaharap niya kami masiyahin, nakikipaglokohan pero sa loob niya pala marami na siyang pinagdaraanan. “Kumain na ba kayo? Bibili muna ako ng makakain natin.” Ang totoo niyan gusto ko lang makaalis dahil hindi ko matiis na makita si Elesse na ganyan ang sitwasyon at ayokong ipakita sakanila ang kahinaan ko. “Ayos lang kami, ikaw ang kumain na alam kong hindi ka pa nagdinner. Nakalimutan kong kumakain ka pala nung pinuntahan kita hindi mo na tuloy natapos yung kinakain mo. Gusto mong samahan kita? Baka hindi safe labas.” Pagpresinta ni Jho. “Hindi na. diyan lang naman ako sa cafeteria kakain babalik rin ako.” Nag-alala pa siya pero hindi ko na ito pinansin at umalis na. Maingat naman na lumakad at tinignan ang paligid mahirap na baka may makakilala pa saakin ayokong ako ang natotopic sa news/internet. “Era” biglang may tumawag saakin sa likod tinignan ko naman ito saglit at nagpatuloy sa paglalakad nang pagtanto ko kung sinong tumawag. Bakit ba sumunod pa ito? Siya rin ang isa sa dahilan kaya umalis na ako doon tapos malaman kong sumunod pala ito. “Era, saglit lang.” at dahil mabilis itong maglakad kaya naman naabutan ako nito. “Bakit sumunod ka pa? baka may makakita sayo/ saatin na magkasama tayo baka mapag-usapan tayo. Hindi mo alam maraming matang nakatingin kahit sabihin private hospital pa ito.” Nag-aalalang sabi ko sakanya. Hindi ba siya nag-iisip, hindi safe lalo pa’t nasa labas na kami for sure may mga taong makakakilala saamin. “Kailangan nating mag-usap. Kanina pa kita tinatawagan pero hindi mo sinasagot ang mga tawag ko.” “Pwede bang hinaan mo yang boses mo baka may makarinig sayo. Pinagtitinginan na tayo.” May mangilan-ngilan kaming nadaraan na napapatingin saamin at mukhang minumukhan kami pero hindi ko na lang pinapansin para lalong hindi maging obvious pero mukhang walang pakialam itong kasama ko. “"I told you before that we needed to talk. Sumama ka saakin.” Hinawakan naman niya ang kamay ko at hinila ako palabas ng hospital. Nakayuko lang ako habang naglalakad hindi ko ba alam bakit parang wala siyang pakialam sa paligid niya. Hangang sa makarating kami ng kotse niya binuksan niya ang passenger at pinauna akong sumakay saka ito sumunod. Akala ko doon niya gustong mag-usap kami pero nagulat na lang ako ng pinaandar niya ito at hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. “Saan mo ba ako dadalhin? Sabi mo mag-uusap tayo pwede namang dito na tayo mag-usap.” Medyo naiinis na saad ko. “You need to eat first.” Yun lang ang sinabi niya at hindi na ulit nagsalita. Hindi na ako muling nakipagtalo pa dahil alam kong hindi naman ako mananalo sakanya. Maya-maya lang ay huminto ito sa isang restaurant. Nakita ko namang may mangilan-ngilan na kumakain doon but still alam kong hindi safe. Gusto niya ba talagang mapahamak? “Hintayin mo na lang ako dito. I-take out ko na lang yung pagkain ko.” Hindi ko na ito hinintay at nagmadaling bumaba alam kong may pagkamainipin yun. "Why do I feel like you're distancing yourself from me?" napahinto naman ako at tinignan ito hindi ko nanaman namalayang nakasunod ulit ito. “Why do I feel like I’m losing you?” dagdag pa nito. During those times, I felt a mix of emotions and resentment towards him, yet I found myself unable to express them. If I don't do it now, then when will I?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD