Being with you is so dysfunctional
I really shouldn't miss you
But I can't let you go- K. Clarkson
ELIZA
Yeah, It’s me Hi! It’s my turn now.
I hope, hindi masayang lahat ng pagod ni Sage para dito. Alam kong marami akong atraso kay Era pero naging effective naman sa acting skills ko dahil graveh yung selos niya tuwing nakikita niyang magkasama kami ni Sage. Yes, Isa lang acting ang lahat ng ito pero hindi ko alam na aabot sa ganito lahat, na kailangan may ganito pang eksena at halos umabot na sa hiwalayan. Bakit nga ba? Naalala ko ang unang beses na magkita kami ni Era. Sa may airport, doon nag-umpisa lahat ng palabas.
Pero nagtataka kayo kung saang nag-umpisa ang lahat ng ito. Nang biglang nagkaroon kami ng communication ni Sage sa isa’t isa. Yes, siya ang unang nag-approach saakin. He knows that I’m a part time actress in States. Mahirap pagselosin si Era at napagtanto ko iyon ng magsama kami. Kaya umisip ako ng iba pang strategies, kailangan ko pang komunsult sa mga expert dahil hindi naman ako magaling sa mga ganito. Isa sa mga strategies, kailangan nasa akin ang atensyon ni Sage at nagamit ko yun ng mamatay ang dad ko. Hindi ko rin inaasahan ang pangyayaring iyon dahil naalala kong ayaw sana niyang sumama pero dahil hindi pa ako nakakapag-isip ng dapat plano kaya pinilit ko at mukhang effective naman, sinabi kong wag niyang ininform ito kapag sumama siya saakin sa State and the rest is history.
“Abort the Mission” nawala ang atensyon ko ng biglang magsalita si Silver. Tinignan ko ito ng nagtatanong. “Hindi ko sinasadya it’s my fault, nasabi ko, hindi ko alam na nandoon si Era.”
“So ibig sabihin ba niyan nabuking na ang plano?” tinignan ko naman ang mga staff na mukhang malungkot dahil hindi nila na gampanan ang role nila. Ang hirap kayang magpanggap na wala kang alam kunwari. Alam kasi ni Era na walang nakakaalam ng relasyon nila ni Sage kaya hinahayaan niya lang ito.
Ewan ko nga rin kay Sage kung bakit sinama pa ito sa role, siya rin naman pala ang sisira sa plano. Napairap na lang ako dahil doon. Anong gagawin namin ngayon?
“Sa tingin ko hindi naman. Ang alam niya lang siguro ay may surprise si Sage rito.”
“Yah, right. Ipagdasal mong sa isip ni Era. Ikaw lang ang may alam nito dahil kung hindi mabubuking lahat tayo.” Inirapan ko lang ito bago umalis dahil kapag dumating sina Era at Sage baka isiping kasama ako sa plano. Lalong masisira, hindi pa ako handang ibuking ang sarili ko hanga't hindi maayos ang lahat.
**********************
ERA
“I’m giving you time to explain yourself, Sage.” Seryosong sabi ko. Dahil sa totoo lang hindi ko alam kung matutuwa ako sa nangyayari sa ngayon. Nakita kong napabuntong hininga ito and for the first time, nakita ko itong hindi alam kung anong sasabihin. He might be composing something in his head.
“I had planned a surprise for our anniversary, but unfortunately, it didn't go well.” Medyo nagulat ako sa sinabi nito. Pero hindi ko inaasahang maalala niya pa ang anniversary namin. We have been secretly dating for about 3 years already, at never kaming nagcecelebrate ng anniversary dahil parating hindi natataon ang sched. naming dalawa, walang kaso saakin yun dahil kapag free naman kaming dalawa doon na lang namin sinecelebrate. Kaya nakakagulat dahil naalala niya pa kung kailan ang anniversary namin and I felt bit guilty dahil ako hindi ko na alam lalo na sa mga nangyari saamin nito nakaraang buwan.
“Is that it?” medyo nagugulahan kong sambit. Hindi ko alam bakit parang may kulang pa sa paliwanag niya. Marahan itong napatango at tinignan ako.
“Can I take you for a date?” And again for the first time, ngayon ko lang ito nakitang nahihiya. Ni hindi ko nga maalalang nahiya or natorpe siya ng ligawan niya ako. But now, seeing him like this, I find it unusual. Napatigil naman ako ng may marealize.
“Ibig sabihin alam ng mga tao rito that we are dating?” nakita ko namang biglang nag-iba ang expression niya.
“Does it matter?”
“But how about your privacy? Baka makaapekto ito sa--”
“Do I look like I care? All I care about is you now, Era. Matagal ko nang pinag-isipan ito, dapat nga dati ko pa ginawa ito. I should be proud to have you. Hindi mo lang alam kong ilang beses ko nang sinadyang sabihin sa lahat na girlfriend kita. Yung mga kuha ng paparazzi noon saatin hindi yun coincedence pero dahil magaling ang manager natin kaya napagtakpan ang mga iyon.” Napanganga naman ako sa binitawan niyang mga revelations. Nang makarating kami sa set lahat ng staff ay nakangiti lang saamin habang nadaraan kami hindi ko tuloy maiwasang medyo mailang.
“Don’t worry, kung hindi ka handa na sabihin natin sa media, pinapangako na hindi ito makakalabas at tayo-tayo lang makakaalam. Do you trust me?” tumango ako bilang sagot. Pinagbuksan naman ako nito ng pinto ng kotse bago umalis sa lugar na iyon at nagpatangay kung saan niya man ako dalhin. Sa ngayon medyo nabunutan na ako ng alalahanin sana man lang tama ang mga desisyong tinatahak namin.