I've never been the best at letting go
I don't wanna spend the night alone
Guess I need you, and I need to- Zedd
“Wala ka bang balak umuwi?” tanong kay Sage na hanggang ngayon ay nasa Unit pa rin namin ito. Pagkatapos niya akong ihatid kanina akala ko ay aalis na ito pero nagulat ako nang bigla itong komportableng umupo sa sala at mukhang feel at home pa.
“Nah! Dito ako matutulog.” Tumaas naman agad ang kilay ko sa sinabi niyang yun.
“Excuse me? Pumayag ba ako?” Pagmamaldita ko. Well, hindi naman sa pagiging harsh ko pero alam ko namang sanay na yan sa ugali ko.
“Nagpaalam ako kay Gette. Okay lang naman sakanya.” Napasinghap ako at lalo kong tinaasan ang kilay ko dahil sa sinabi niya.
“Nagpaalam ka sa kanya pero, sakin hindi. Hindi lang siya ang may-ari ng unit na ito.” Hindi makapaniwalang sambit ko.
“Pinaalam ko naman sayo ngayon.” Marahas naman akong bumuntong hininga bago ito iniwan para magbihis. Alam kong hindi ako mananalo sa mga alibi niya, dahil meron at meron talaga siya sagot sa mga sasabihin ko. Hindi naman sa ayoko siyang patulugin rito dahil minsan na rin naman kaming natulog na magkasama yun lang nagagawa namin yun kapag alam naming may kasama kami. Pero ngayon kasi ako lang ang nasa unit at hindi pa rito uuwi si Gette na siya na lang ang nakakasama ko. Kaya medyo naiilang ako na kaming dalawa ni Sage ang magkasama, alam ko namang walang gagawing masama si Sage na ikakasama ng loob ko at may tiwala naman ako. Bahala na nga.
Nagmadali naman akong nagbihis at kumuha na rin ako ng pamalit ni Sage na naiwan niya noong nakarang nakitulog rin siya dito. See, kunwari galit-galitan ang peg, pero papayag rin pala. Nang makalabas ako nakita ko itong nasa kusina at nagkakalkal sa ref.
“Anong ginagawa mo?” nagdududang tanong ko wag mong sabihing magluluto siya. Hindi ko ba nasabi sainyo ang isa sa mga sekreto namin ni Sage. Hindi kami marunong maglutong dalawa. Kaya isa rin sa rason kung bakit hindi kami pwedeng masamang dalawa lang sa isang lugar. Hindi kami mabubuhay talaga sa isla o sa bundok.
“Magluluto?” Walang paki-alam na sabi nito. Natawa naman ako sa sinabi niya dahilan para maharap ito saakin. Mukhang hindi nga siya nagbibiro.
“Seryoso ka? Anong iluluto mo?” Seryosong tanong ko pero hindi ko maitago yung ngiti ko.
“Sabi ni Gette may minarinate siyang porkchop i-prito na lang raw. Marunong akong magprito kaya sa tingin ko makakasurvive naman tayo.” Pareho na lang kaming natawa sa mga sarili namin. Mabuti talaga nandyan si Gette.
“O, magbihis ka muna ako ng maghahanap niyang porkchop na yan.” At ibinigay ang damit nito walang sabing naghubad ito sa harap ko kaya napasigaw ako. “Ano ba Sage! Sa kwarto ka magbihis.” Halos mamula ako sa dahil sa ginawa niya dahil hindi ko inaasahan. Bakit parang ako ang nahihiya? My gud!
“Tsk, masanay ka na. Saka tayong dalawa lang ang nandito.” Pilyong saad niya.
“Paano kung may biglang pumasok? Akalaing may ginagawa tayong karumal-dumal dito.”
“Hayain mo sila kung anong isipin nila.” Marahan ako nitong hinila papunta sakanya at matamang pinagmasdan. Halos magkayakap na kami. Kung pwede lang sanang ganito parati. Yung feeling ko sa mga oras na ito ay kontento na. Hindi ko alam na magiging ganito ako kababaw pero para bang naniniwala na ako sa mga sinasabi ng iba na kapag nakita mo na yung taong para sayo sapat na siya. “What are you thinking?”
“You. The future?” No need to pretend. Mukhang hindi naman ito nagulat sa sinabi ko instead ngumiti pa ito. Alam niyang hindi ako nagsisinungaling.
“Do you see me in your future?” Seryosong saad rin nito. Hindi ko masabi kong sinasakyan rin ba niya ang sinabi ko.
“No, but I want you to be there.” Ngumiti naman ulit ito at marahang inipit ang mga buhok sa gilid ng teynga ko.
“Then let’s make it happen.” Hindi na ako nakagalaw ng bigla itong yumuko at hinawakan ang magkabilang kong pisngi. I consciously closed my eyes, unsure if my actions were right. I didn’t want to assume, but when I felt his lips on mine, I was finally at ease—at least I wasn’t just assuming.
************
************
“Well, hello there. Mukhang maaliwalas ang mukha natin ngayon. Lalo kang gumaganda pala kapag nakangiti.” Lalo akong ngumiti ng nangaasar dahil sa sinabing yun ni Silver. Tama siya, medyo maaliwalas nga ang mood ko ngayon ewan ko ba.
“Yeah, Kaya bago pa ako mawalan sa mood umalis ka na sa harapan ko.” Well, it’s kind of a joke, dahil alam ko namang hindi yan aalis talaga. Siya pa.
“Napaka harsh mo sa feeling. Mabuti talaga at kilala kita.” Nagpout pa ito kaya lalo ako nacringe sa ginawa niya. Well, mabuti na lang at gwapo siya pero hinding-hindi ko yun sasabihin sakanya baka ikalaki pa ng ulo niya.
“Anong ginagawa mo rito?” kunwaring balewa kong tanong.
“Wala naman, binibisita lang kita dito sa lunga mo. Actually, may ipagtatapat sana ako sayo, bago ako —” hindi na nito natapos ang sasabi niya ng biglang may sumingit sa usapan namin. Sino pa ba kundi ang malakas ang loob na lataran talagang pinapakita ang relasyon namin. Simula ng gabing yun hindi na siya halos lumubay saakin minsan naiilang na ako dahil wala talaga itong pakialam kahit maraming tao.
“Get lost, Silver.” Seryosong sabi ni Sage. “Did you hear what she said? She doesn't want to see you.” joke lang yun, pero hindi ko alam na siseryosohin pala niya ang sinabi ko kay Silver. Nakita ko namang umangat ang labi ni Silver dahil sa sinabi ni Sage sakanya. Para bang nakakita ito ng paglalaruan niya.
“Relax, bro, wala pa akong sinasabi. Pasensya na nabulilyaso ko ang plano mo nung nakaraan.” Sa nakikita ko, parang hindi naman niya pinagsisihan ang ginawa niya. Lalo pa niyang inaasar si Sage mabuti na lang at hindi madaling mapikon ang isang ito.
“Get lost, hinahanap ka na ng bride mo.” At mukhang nabaliktad ang sitwasyon dahil biglang nag-iba ang mukha ni Silver at hindi na maipinta ang mukha dahil sa sinabi ni Sage. Halos matawa kaming dalawa ni Sage dahil sa inasal niya. Parang kanina siya ang nang-aasar kay Sage ngayon siya na ang inaasar.
“You know, it’s for the scene.”
“Does it matter? Malay mo magkatotoo talaga.” Ginatungan ko rin ng pang-aasar sakanya.
“Tsk, nagsama lang kayong dalawa, pinatutulungan niyo na ako. May araw rin kayo.”
“Oo na, magsilayas na dahil mareretouch pa ako para fresh ako sa kasal mo.” Napailing lang ito bago umalis. Kinuha ko naman ang script ko at muling binasa ito. May last rehearsal kami bago sumalang. We are at the end of the story at siguro naman ay may alam na kayo sa ending niya.
“Bakit nandito ka rin?”
"I am also rehearsing my script.” Nakita ko namang prenting umupo at hindi ako tinignan habang nagbabasa script kuno niya. Napakunot naman ako sa sinabi niya. Wala naman akong nabasang line para sakanya. Niloloko ba ako ng lalaking ito.
********
********
Happy Holiday, My Readers!