it's you and me
And all of the people
And I don't know why
I can't keep my eyes off of you- Lifehouse
Napapikit muli ang mga mata ko ng bumukas na ang lahat ng ilaw. Narinig ko ang palapakpakan ng mga tao kaya napatingin ako sakanila. Hindi ako makapaniwalang nakalimutan ko talagang may mga tao palang nanunuod saamin. Medyo nahiya ako dahil ngayon ay kitang-kita ko na silang lahat. Napakunot ako ng maging pamilyar ang ilan sa kanila. Hindi ko inaasahan ito. Bakit nandito ang family ko at family ni Sage? Nakita ko rin sa isang table ang mga kaibigan ko kasama ang mga asawa/boyfriend nila.
“Ang tagal, Era. Umuoo ka na.” rinig kong sigaw ni Jho. Kinunutan ko lang ito. Dahil wala akong idea sa pinagsasabi niya.
“Sira, hindi pa nga nagpropropose si Sage. Inunahan mo, excited ka.” Natatawang sambit ni Carms naman. O-kay?
“Hayss, kailangan ko nang isipin na hindi lahat ng nakaplano ay nasusunod talaga.” Napatingin naman ako kay Sage nang nagtataka. “Will you trust me, again?”
“Let me think. Hindi ko alam nagkakatrust issues na ako sa mga ganitong pakulo mo.” Birong sagot ko rito. Nakita ko namang mukha itong nahiya. “But you know I love you, so I will trust you.” He might not be the sweetest person I've ever known, but I appreciate all his efforts. It’s not every day he does something like this, so I don’t want to ruin his efforts.
"You know, you're making me nervous right now. I don’t know what to say. Earlier, when you asked what I was doing and I said I was reading a script, I meant it. But now that I’m facing you, I’ve forgotten everything I memorized. It’s like facing test questions; I’m afraid of making mistakes and having a mental block. But I can’t back down now because I’ve prepared for this for a long time. I know how much we value our privacy, and I understand the consequences of this, but I’m ready to face them. We’ve been through so much to hide this relationship, and I know you’re struggling, so now I’m the one breaking that."
“To everyone here, you’ve been witnesses to what we’ve been through, and I want you to be witnesses tonight as I propose.” I had a feeling this might happen, but I still didn’t expect it to come from him. Bigla naman itong lumuhod sa harap ko kaya napatakip ako ng bibig ko. OMG, parang napapanuod ko lang ang mga ganitong eksena hindi ko inaasahang mararanasan ko talaga. “ERAIZHA ZHAIRE MORGAN. Will you be my leading lady for life?”
**********
**********
“Ay, ang laki namang ng batong yan. Pero mas malaki pa rin yung kay Gette.” Hinila ko naman ang kamay ko mula kay Jho. Hindi ko alam kung bakit pinagdidikitahan nila ang sing-sing ko. Or should I say engagement ring. Hindi pa rin ako makapaniwala hanggang ngayon. Parangg kahapon lang nangyari ang lahat at ngayon may hangover pa rin ako. Hindi ko maitago ang kilig ko para na akong nababaliw.
“Nakakatakot pala si Era kapag kinikilig. Nababaliw.”- Elle
“Intindihin mo na. Mararanasan mo rin yan.”-Jho
“Wag ka nang maingit malay mo may nagplaplano na rin para sayo.” Asar ko sakanya.
“Kilabutan ka nga sa mga pinagsasabi mo.”-Elle
“Bakit pala nandito kayo? Hindi ba kayo hahanapin ng mga asawa’t/boyfriend niyo.” Nagtataka ako after kasi ng proposal dito kami umuwi ni Sage sa Unit namin. Tapos ngayon nandito na itong mga ito para makichismis. Speaking of, dapat pala nagtatampo ako sa mga babaeng ito.
Dahil nagtago sila ng sekreto saakin. Hindi bagay. Ilabas ko kaya ang pagiging antagonist ko. Pero masaya ako ngayon ayokong masira nila yun.
“Baka kasi Unit pa rin namin ito kaya nandito kami.”- Jho
“Baka sabihin mo makikichismis ka lang.”
“Pareho rin yun. Kaya magkwento ka na, we are available all day.”
“Ano naman ang i-kwento? Dapat ata kayo ang magpaliwanag saakin at i-kwento ang lahat ng ginawa niyo. May atraso kayo saakin kaya umpisahan niyong magpaliwanag. I’m also available all day to hear your explanation. Sinong mag-uumpisa sainyo?” Bigla naman silang naglihis laaht ng tingin. “Akala niyo hindi ko alam na kasama pala kayo sa plano. Ang galing niyo rin, sana nag-artista na kayo.”
“Ikaw Gette may nalalaman ka pang pa advice saakin nun. Siguro tinatawanan mo ako habang nag-aadvice ka saakin.” Nakabusangot na hinaing ko.
“It’s not like that. Sincere ako sa lahat ng sinabi ko sayo nun.”
“Okay, apology accepted.”
“Hindi naman ako nag-sorry.”
“Dapat pala si Jhoanne ang sisihin rito. Dahil siya ang mas maraming atraso ssakin.”
“Bakit ako? Wala akong alam diyan.”
“Wag ka nang magmalinis. Akala mo hindi ko malalaman na ikaw pala ang nagkakalat ng chismis saamin dati.”
“Hindi naman iyon chismis. Hindi ba totoo naman. You know I hate fake news. Kaya kinalat ko lang kung anong totoo. Ang hirap rin palang maging paparazzi niyo.” At mukhang proud pa bruha. “Saka hindi lang naman ako ang nagkakalat nun taga comment pa nga sina Ellese at Camilla.” Hindi naman ako makapaniwalang kasama rin pala ang dalawang babaeng ito.
“Saka hindi naman kami ang mastermind, yung fiance mo talaga ang puno't dulo nito, napag-utusan lang kami.” Napailing na lang ako sa mga revelation nila. Wala na talagang matino sa mga kaibigan ko mabuti na lang at hindi ko sila kagaya. Well, sila ang ibinigay ni Lord saakin kaya tatanggapin ko na lang.
**************
Hello Epilogue na <3