I wish I could escape
I don’t wanna fake it
Wish I could erase it – Imagine Dragon
"You must be having a problem." Napahinto naman ako sa ginagawa ko ng may narinig akong nagsalita. Napatingin ako kay Mom na siyang nagsalita kanina. Kasalukuyan akong nasa silid ko dito sa bahay namin. Itinabi ko muna sa side table ang fluete na hawak ko. “Tumutugtog ka lang niyan kapag may malungkot ka o kaya naman masaya ka pero base sa piece na tinugtugtog mo it’s a sad one.”
“Marami lang po akong iniisip lalo na po sa bagong project ko. I just want diversion for awhile.” Nasabi ko na lang. Nakita ko namang naningkit ang mata nito dahil sa sinabi ko. I know she don’t buy it.
"You've been in this industry for 15 years, but this is the first time you've been problematic in a project? That's unusual." tukso nito, she really knows me well. “Tell me, is this about Sage's best friend? They appear to have been very close to each other. Nasabi na saakin ni Savannah.” Tukoy nito sa mama ni Sage. I guess hindi na ako makakapagsinungaling sakanya.
“I don’t know what is happening to me mom. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ko alam kung dapat ba akong magselos o dapat bang may ikaselos ako.I know they're just friends, and I don't want to think negatively of them, but I can't help myself.” Paliwanag ko. Naalala ko tuloy tuwing sa set na nililink sila dahil sila ang madalas magkasama. Dahil private ang relation namin kaya hindi kami madalas magkasama. Nakatanaw na lang ako sakanilang dalawa sila at malaya silang nagtutuksuhan samantalang kami parang hindi kami magkakilala. This is the consiquence if you maintain your privacy.
“Well, nagseselos ka dahil nasa iba ang attention ng boyfriend mo. Hindi mo pa naman pinagduduhan ang feeling niya sayo hindi ba?”
“Of course.” I won't deny that.
“Well then, that’s good. Pero huwag ka ring makampante dahil hindi mo alam kung anong pwedeng mangyari bukas o sa mga susunod na araw. Baka tuluyan na nga ilalayo ang mga importante sayo.” Naiwan ako at napaisip sa sinabi ni Mommy saakin. Tama siya dapat hindi ako makampante pero hindi rin pwedeng basta na lang magconclude dahil ayokong lalo pa naming pag-awayan ito ni Sage. Aminin kong dati nung bago pa lang kami medyo childish ako dahil hindi ko alam kung paano maghandle ng relasyon dahil siya ang first boyfriend ko at gusto ko na ring siya na ang last.
************
“Miss Era. May tumatawag po sainyo.”- napatingin naman ako kay Nancy my PA. Iniabot naman nito ang phone ko saakin. Katatapos lang ng shoot namin at kasalukuyang pinagbreak na muna ako. Napatingin naman ako kung sinong caller iyon. Hindi ba niya alam na busy ako ngayon. Napatingin naman ako ng si Jhoanne lang pala. Akala ko na kung sino. Ano naman kayang kailangan ng isang ito? Mangugulo nanaman.
“What?” bored na sinagot ko ang tawag nito. May kasama ng irap rin yun kahit hindi niya ako nakikita.
“Anong what, what ka diyan. Kahit hindi kita nakikita alam kung umiirap ka saakin.” Mukhang naiinis pang sabi nito. See may psychic vesion siya.
“Ano ba kasing kailangan mo? Mukhang kulang ka sa labing ngayon. Hindi ba kayo naglambingan ng asawa mo at ako pang pinabubuntungan mo ng inis mo.”
“Che, manahimik ka nga hindi yan ang itinawag ko.”
“So ano nga?”
“Kailangan mo ba titigilan ang buhay ko? nakakainis ka. Marami ka nanamang parcel na dumating dito sa bahay ko. Pwede ba iaddress mo sa bahay niyo.” Napakagat naman ako ng ibabang labi ko.
“OMG! Talaga dumating na yung mga pinadeliver ko?” bigla tuloy akong naexcite. “Alam mo namang hindi pwede sa bahay ko dahil mamalalaman nila mommy at artista ako baka may mga magstalk pa saakin malaman ang totoong bahay namin.” Well naiingat lang din ako pero yung unang rason talaga ang dahilan kaya ko sa iba inaaddress. Alam ko kasing magagalit si mommy kahit sarili ko namang pera ang ginagamit ko. Sasabihin niya nanaman na hindi daw naman essential yung mga binibili ko well sort of yung iba lang.
“Assumera may magstalk sayo. Ganda mo teh?”
“Ano bang problema doon bayad naman na yang mga iyan ikaw lang ang magrereceive.” Katwiran ko
“Ah basta sa iba mo na lang iaddress at ipangalan pinapagalitan na ako ni Steven dahil akala niya ako ang bumibili ng mga yun.” Saan ko naman pwedeng iaddress? Hindi pwede kay Camilla paalis-alis pa naman ang babaeng iyon kailangan kasi kung sino ang nakapangalan siya talaga ang marerecieve paano kung wala siya nun time na iyon lalo naman kay Ellesse na halos out of country dahil isang model/ambassador at hindi rin pwede kay Gette baka itapon pa niya ang mga parcel ko sayang naman.
“Please for the meantime lang naman hayaan mo ako ng magpapaliwanag diyan sa asawa mo.”
“Psh.. nakakainis ka kung hindi lang kita kaibigan itinapon ko itong mga ito. Ano bang laman ng mga ito? Mabuti lang kung isa o dalawa lang pero hindi baba ng sampu buwan-buwan.” Hindi naman ako nakaimik dahil totoo. Oh my sorry na. gulity as always. Simula rin kasi ng nahumaling akong mag-online shop ewan hindi ko na rin napigilan. Kapag may nagagandahan akong bagay binibili ko agad. Iyon ang rin ang isa sa mga pinag-aawayan namin ni Sage pero ngayon hindi na dahil akala niya tumigil na ako pero hindi. At isa rin yun sa dahilan kaya ko rin pala ayaw iaddress sa bahay namin dahil for sure isusumbong ako ni mommy sakanya.
"Don't worry may para sayo naman diyan. " Alam kong hilig niyang magcollect ng mga relo adik kaya sila ng asawa niya. Ako? Sa tingin ko mga damit.
“Tsk. Nanuhol nanaman.”
“Pero gusto mo naman. Thank you, besh.” Iyon parati ang ibinigay ko kasing panuhol sakanya dahil alam kung hindi niya matatangihan kumbaga guilty pleasure niya yun. Ano ba yan namiss ko tuloy ulit ang mga kaibigan ko madalang ulit kaming magkita-kita dahil halos lahat kami busy. Madalas ko lang makita si Jho dahil sa mga delivery ko pero yung nga madalang rin pala iyon dahil iipunin ko pa lahat ng deneliver saakin tapos saka ako makikipagkita sakanya. Kahit sa chat room namin halos wala ng nagpaparamdam.
“Tell me may problema ka noh? Ang dami mo kasing shinopping.”- Bigla namang seryosong tanong nito sa kabilang linya.
“Paano mo namang may problema ako aber? Anong connect nun sa mga shinopping ko? ”
“Hindi mo ako maluloko, Era. Kilala ka namin at kaibigan kita. Kung sa iba aakalain na gastos lang ang alam mo gawin kaya nagshopping ka pero alam kong it is your way to escape your problem, right? Maliban kaya sa pagshoshopping ang escaping mo, tumutugtog ka rin ng paborito mong flute.” Napangiti ako ng malungkot dahil sa sinabi niya kahit hindi niya nakikita. Hindi ko alam na napapanin pala nila yun. “Dati kayo ang nagsasabi nito saakin pero ngayon ibabalik ko na ang sinabi niyo. Era, kung may problema ka man please wag mong sasarilihin. Kung hindi mo na kayang ihandle nandito lang kaming mga kaibigan mo tutulungan ka namin.”
“Thanks, I know I will count on you. I can’t believe nakapag-asawa ka lang sumeryoso ka na sa buhay. Hindi ako sanay.” Narinig ko namang natawa ito sa kabilang linya. Pero natutuwa talaga kami sa changes na nagyayari sakanya lalo na alam kong marami rin siyang pinagdaan dati. Ngayon nakikita namin sakanya na para bang kontento na siya kung ano na siya ngayon. Hindi na siya natatakot harapin ang mga problemang dadaan sakanya dahil alam niyang may kasama siya and that is Steven. Sana dumating rin ang araw na yun saakin.
“Miss Era, magsoshoot na po ulit kayo.” Napasimangot naman ako dahil sa sinabing iyon ng PA ko. Kinuha ko naman ang script at tinignan kung anong scene ang gagawin ngayon. May scene kami ng male lead.
......
To be continued...