CHAPTER 5

886 Words
Stay here, honey, I don’t want to share ‘cause I like you- T.Swift “Akala ko tama mga gossip na kayo ni Sage.” Bigla naman akong napatingin sa nagsalita. Nakita ko si Silver lang pala. Ang aking leading men. But not totally. Makakapartner ko lang siya sa ilang scene. “It’s nice to see you again, Era.” Napangisi naman ako at tinaasan ito ng kilay. I’ve already known him hindi dahil artista ito pero dahil nakasama ko na ito sa isang survival show. “Saan mo namang narinig ang mga tsismis na iyan?” partly is true. Pero dahil hindi naman namin kinuconfirm so hanggang haka-haka palang siya. Kailangan tuloy lalo kaming mag-ingat. “Sa internet. May mga pictures na ring kumalat dati pero hindi malinaw kaya hindi alam kung totoo nga. Pero sa nakikita ko ngayon, hindi pala siya totoo.” Tinignan ko ito pero hindi naman ito nakaharap saakin kundi may pinagmamasdan ito sa malayo. Ang guess what kung sino ang tinitignan nito kundi ang magbestfriend sa set. Sino pa ba. Psh.. “They look good together.” Isa pa ito. Kung makasang-ayon. “Anong kailangan mo, Bakit nandito ka pala?” pag-iiba ko na lang ng usapan dahil ayokong pag-usapan ang iba lalo na ang personal kong buhay. “Grabe ka, nakakasakit ka ng feeling baka nakakalimutan mong leading lady kita. Dapat maramdaman kong may care ka naman or kahit kaunting sweet bones.” Psh. Feeling close kahit kailan talaga. Hindi pa rin nagbago. “Baka nakakalimutan hindi lang ako ang leading lady mo. Baka gusto mo lapitan ang talagang leadinglady mo.” “May kausap pa siya. Saka ikaw ang kasama ko bakit pinapapunta mo ako sa iba.” “Seryoso, ano talagang pinunta mo dito? Hindi ako naniniwalang walang dahilan. Kung hindi tungkol sa work I’m sorry hindi ako mag-eentertain ngayon. Gusto mo bang i-rehearsed ang script, I can help.” “Psh, masyado ka talagang workaholic. Baka hindi ka na magkaroon ng lovelife. Gusto ko munang makilala ka ng mabuti kaya nandito ako para makipagkaibigan. Sabi kasi sa mga nakalap kong rumors ulit hindi raw maganda ang ugali mo masyado kang mailap lalo na sa lalaki. Pero mukhang mali ulit ang nabalitaan ko.” “Well, iyon naman ang balitang masasabi kong tama ang nakalap mo. Hindi talaga maganda ang ugali ko lalo na sa mga masyadong presko tignan.” Natawa naman ito sa sinabi ko pero tinignan ko ito. “Don’t worry. I’ll take note of that. Wag kang mag-alala dahil mabait naman ako.” Hindi ba niya alam na sarcastic ang pagkakasabi ko nun. “Dahil diyan friends na tayo.” “Tsk, pala desisyon.” Napatigil naman ito sa pagtawa nito at nakatingin sa kung saan. Kaya tinignan ko kung sinong tinitignan nito at nakita ako ang seryosong papalapit ng si Sage sa gawi namin. Hindi kasama si Eliza kaya hindi nanaman ng mata ko ang babaeng iyon. Nakita ko ang pagtataka sa mukha nito kung bakit pupunta rito si Sage mukhang hindi niya rin inaasahan iyon. “Mmmm, this is inresting mukhang may pag-uusapan kayo ni Sage. Sige dahil iniwan niya na ang talaga leading lady ko pupuntahan ko na siya maiwan ko na kayo. Makita tayo after may alam kong malapit na kainan matinda silang bulalo. Ililibre kita dahil may newfound friends na ako.” Kumindat pa ito saakin bago ako nito iniwan kaya Sage na masamang nakatingin ngayon kay Silver. Tapos sabi niya ililibre niya ang ng bulalo. Huhuhuhu paano ko siya tatangihan kung iyon ang weakness ko. “Sa nakikita ko mukhang nahihirapan kang tumangi sa alok niya. Tsk>” masungit nitong saad. Kaya napatingin naman ako sakanya. “Wag mo nga ipapaaalala. Saka anong ginagawa mo rito? Baka may makakita sayo. Bumalik ka na sa tent niyo.” “You’re allowing that guy to talk to you pero saakin ayaw mo akong makausap.” May himig na sama ng loob ng sinabi niya iyon. “I’m sorry naiingat lang, saka siya kasi may kailangan kaya kinausap ko siya. Hindi ko alam na ganun kadaldal pala iyon si Silver. Natatandaan mo pa siya?” Nakita ko naman itong napairap ng walang dahilan dahil sa sinabi ko. Hindi ko alam bakit biglang nakaganito ito lalaking ito. Wag niyang sabihing nagseselos siya. “Nagseselos ka ba sakanya?” Asar ko rito na ikinakunot naman ng noo nito. “I don’t want to talk about him.” “Nah-ah, gusto ko siyang pag-usapan, ngayon lang ulit kita nakitang nagselos ng ganyan. Natutuwa ako ang cute mo palang tignan.” “Shut up, ako ang maglilibre sayo mamaya. Basta wag kang sasama doon.” “KJ mo, sinabi niya kanina na friends na kami kaya hindi ko na siya pwedeng tanggihan. Ikaw nga may kaibigang babae bakit ako hindi pwedeng makipagkaibigan sa oppisite gender ko.” “Dahil halata namang may gusto na siya sayo sa umpisa pa lang. Kaya kinukuha niya ang loob mo.” “Paano mo namang nasabi. Ilang beses pa lang kami nagmeet noh.” “I just know, wala ng paliwanag.” Tumalikod naman na ito saakin pero bago iyon meron pa ako narinig na sinabi nito iyon hindi malinaw sa pandinig ko. “Ayokong bumalik ang pag-admire mo sakanya.” Ano bang sinabi nun. Bahala nga siya diyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD