Every time that she gets close,
She pulls me in enough to keep me guessin’
Maybe I should stop and start confessin- Shawn Mendez
Nakatingin lang ako ngayon sa kaharap ko dahil sa mga oras na ito hindi ako natutuwa sa nangyayari. Bakit hindi ba siya makaramdam na naiilang na ako sakanya o mas tamang sabihin ayaw ko siyang makasama sa iisang lugar. Pero hindi ako pwedeng magreklamo dahil iniisip ko si Sage.
“Hmmm, masarap pala ang pagkain nila dito, next balik ulit tayo dito Sage.” Hindi ko na lang pinansin ang sinabi ni Eliza at pinagpatuloy ang pagkain ko ayokong masira ang appitite ko dahil lang sa sinabi nito. Lalo na wag sa harap ng bulalo ko. “Saan mo nadiscover pala ito Silver?”Bali siya ang nag-introduce ng restaurant na ito saamin. Hindi kasi ako tinigilan nitong si Silver kanina ng paalis na ako dahil tinanggihan ko na ito pero makulit at sinabing isasama pa nito sila Eliza at Sage.
“Huh, internet lang nakita ko na ito dati tapos trinay kong kumain once at nagustuhan ko lalo na itong bulalo nila kaya pabalik balik ako dito.”
“Hindi ko alam mahilig ka rin pala sa bulalo. But I must na masarap nga ito at masasabi kong masarap nga dahil pati si Era naubos niya na rin.” Napatingin naman silang lahat saakin. What? May masama ba?
“Favorite kasi niya yan kaya mukhang hindi na siya aware na naubos niya na. Pero kahit ganun hindi pa rin siya tumataba. Right,Era.” Tinignan ko naman si Silver na siyang katabi ko. Paano niya nalalaman na gusto ko nga ito.
“Really! Paano mo nalaman? Siguro ini-stalk mo siya noh?” pang-aasar naman ni Eliza saakanya.
“Hindi ah, hindi ko gawain iyon. Napansin ko lang dati pa.” nahihiyang saad naman nito. Bigla naman kaming napatingin kaya Sage ng tumayo ito.
“Aalis na ako, thank you for your treat.” At walang sabing umalis ito kaya nagulat rin si Eliza sa ginagawa niya. Ano namang nangyari sakanya?
“Wait for me, Sage. Baka nakakalimutan mong walang ako sasakyan ngayon. Pasensya na kailangan ko na ring umalis mukhang sinupong ang isa yun. Salamat ulit Silver see you again sa set at ikaw rin Era. Bye ingat kayo.” Napabuntong hininga na lang ako. Hindi ko maintindihan kong anong mararamdaman ko sa mga oras na ito.
“Bakit ngumingiti ka diyan? Para kang nababaliw na.” turan ko kay Silver na hindi pa rin maalis ang ngiti nito sa labi at lalo pa niya nilawakan. Weird rin ang isang ito.
“Wala lang. marami kasi akong didiscover recently na mga bago kaya natutuwa ako na napagtutugma ko na ito ng unti-unti.” Napakunot naman ako dahil sa sinabi nito. “Tara, ihahatid na rin kita pauwi. Gusto mo pa bang magtake-out niyan mukhang kulang mo pa.”
“Okay na ako dito. Na satisfy na ang cravings ko thanks again.”
“Wala iyon. Sana may next time ulit. Ayos lang ba sayo?”
“Pag-iisipan ko.”
****************
“Hindi ko alam na leading man mo pala si Silver.”
“Kilala mo pa si Silver?” Nasa bahay pa ako ngayon ni Jhoanne dahil naalala ko ang mga delivery ko sakanya. Nakakahiya naman dahil nakatambak na sa bahay niya.
“Malalamang, di ba naging crush mo pa nga iyon noon sa The Fame?”
“Huh? Talaga? Matagal na iyon noh, saka marami naman akong naging crush sa survival show noon. For sure pati rin naman ikaw hindi lang si Steven ang naging crush.”
“Hoy, wag ka nga maingay diyan. Nandito si Clark ngayon baka marinig ka niya selos pa naman ang mokong na iyon. Baka mag-ungkat nanaman ng nakaraan kapag narinig ka niya.” Tinawanan ko lang ito. Natutuwa ako dahil sa pagbabago niya mula kasi ng mag-asawa siya medyo naging matured na rin siyang mag-isip ayaw niyang nag-aaway sila ng asawa niya kaya pinipili nito ang mga sasabihin niya dahil naging kabaliktan iyon kay Steven na ewan. Dahil naging mas seloso raw ito kahit mag-asawa sila at kahit sa maliit na bagay palalakihin niya kaya si Jhoanne ang nag-aadjust minsan.
“Bakit ba, totoo naman kasi. Gusto mo isa-isahin ko yung mga pinagnasahan natin dati.” Asar ko sakanya. Tumingin naman ito ng masama.
“Tumigil ka na hindi ka nakakatuwa. Lumayas ka na nga kunin mo na itong mga dineliver sayo. Dahil diyan nadadamay ako.”
“Tsk, hindi mo ako matitiis love mo naman ako.”
“Oo na, kung hindi lang kita kaibigan kanina pa kita nasabunutan dahil sa mga pinagsasabi mo. Sige na lumayas ka na wala ka naman ng kailangan dito. Magdidinner na kami tutal kumain ka naman sa labas kaya hindi na kita yayaing kumain dito.” Sumingot naman ako dahil sa sinabi nito. Ang saman talaga nitong babaeng ito.
“Ang sama ng ugali mo. Bisita pa rin ako dito.”
“Psh, baka bwesita. Sige na lumayas ka na maaga pa ang typing mo bukas alam kong pagod ka na. kita na ulit tayo kapag may time ka.” Napaiiling na lang ako dahil kahit paano nag-aalala rin pala ang babaeng ito hindi man niya ipakita. “Naghihintay na si Manong Bert sayo. Siya na ang maghahatid sayo bahay niyo. Bakit kasi hindi ka na nagpahintay doon sa naghatid sayo kanina.” Tukoy nito kay Silver. Siya pala ang naghatid saakin dito sinabi ko kasing may dadaanan ako pero hindi ko na rin sinabing hintayin niya ako dahil alam kong magtatagal ako dito dahil nakipagchikahan pa ako. Kung sakali mang nagpahintay pa ako malamang naghintay na iyon ng matagal.
Talagang gusto na akong palayasin ng babaeng ito dahil hinatid niya na talaga ako sa may gate ng bahay nila. Psh, masama talaga siya.
“Grabe hindi ka namang kating-kati na paalisin ako. Siguro mag-bebe time pa kayo pag-alis ko noh.”
“Sira, -matic na yun noh.”
“Siya nga pala, mukhang may magiging kapit bahay ka na. May bagong bahay na dito.” Turo ko sa kabilang bahay nila Jho. Kasing laki ring ng bahay nila pero ibang design lang.
“Ah, Oo. Pero sabi ng may ari hindi pa raw yan tapos.”
“Wow, so close na kayo ng may-ari ng bahay na iyan?”
“Oo naman, friendly kaya akong kapitbahay. Pati rin itong nasa tapat na bahay namin may nakabili na rin ng lote na iyan. Mukhang magpapamilya na rin gaya nitong kabitbahay ko.”
“Talaga? Sayang balak ko pa naman sanang bilhin yang lote dito sa harap ng bahay niyo para makatabi na tayo ng bahay at hindi na dumadayo dito. Maganda dito sa village niyo. Kapag nag-asawa ako gusto ko dito rin ako magpapatayo ng bahay dahil nabili na ang lote sa harap kaya itong sa kabilang side ng bahay mo na lang.” tukoy ko sa right side ng bahay ni Jho dahil yung left side iyon yung napagawan ng bahay.
“Sige, tatanungin ko kay Clark kung available pa ang lote na iyan. Close kasi niya ang may-ari ng village.”
“Talaga, sige. Sabihan mo ako ah.”
“Sige ba, pero sabihan mo rin si Sage para hindi lang ikaw ang magdedecide.” Napasimangot na siya dahil sa sinabi nito. Naalala niya tuloy ang nangyari kanina. Minsan hindi niya na maintihan ang boyfriend niya. Pero bigla siyang napatigil sa idea na paano kaya kung pag-usapan na rin nila ang pagsettle. Gusto kaya niya na? O ako lang may gusto sa ideyang iyon?