Chapter 6: The secret language

1075 Words
"At sino naman itong magandang binibini sa aking harapan?" ngiti niya sa akin kasabay ng aking pag ngiwi. "Hi, I'm Tristan." bow niya sa harap ko na mas lalo kong ikinangiwi. Weirdo. "And you are?" "Am..." lunok ko, "Amber Anderson." pakilala ko sa kaniya, inilahad niya naman ang kaniyang kamay at tinanggap ko naman iyon para kamayan siya. "Ikinagagalak kong makilala ka, binibini." Ngiti niya ng malawak bago halikan ang likod ng aking kamay. Ramdam ko naman ang pag init ng aking mukha sa kaniyang ginawa kaya agad kong binawi ang aking kamay. Weirdo talaga. "Maaari ko bang malaman kung ano ang ginagawa mo sa lugar na ito?" "a... Kasi... Si Alfieri dinala ako rito. Pwede ba magtanong?" sabi ko sa kaniya. "nagtatanong ka na, binibining Anderson." letse! Napaismid ako sa kaniyang sinabi bago ngumiti ng hilaw. "Saan yung dining area?" tanong ko dahilan para kumunot ang kaniyang noo. "Kanina pa kasi ako paikot ikot pero di ko mahanap." dagdag ko pa. "Nasa l-" hindi natapos ang pagsasalita ni Tristan ng may tumawag sa aking pangalan mula sa kaliwa. Sabay naman kaming dalawang napalingon sa pinanggalingan ng boses. At alam na alam ko na kung sino ang magmamay ari ng maotoridad at malamig na boses na iyon. "What took you so long?" Tanong ni Alfieri habang naglalakad palapit sa akin, dumako naman ang tingin niya kay Tristan bago ito marahang tinanguan. "Boss," tawag ni Tristan kay Alfieri bago magiliw na yumuko bilang simbolo ng paggalang. Saang era ba nabuhay ang kalbong ito? Victorian? "Mouvaise nouvelle, patron." Napalingon ako kay Tristan ng nag iba ito ng pananalita at accent. Anong nangyari sa kaniya? Naging alien ba siya? "Talk." Isang salita mula kay Alfieri ay sumeryoso ang mukha ni Tristan bago nagsalita sa lengwaheng hindi ko maintindihan. " L'ennemi a vóle le dossier, monsieur." Parang bumagsak ang panga ko sa napakintab na tiles ng sahig at kailangan ko pa itong pulutin para ibalik. Wala talaga akong maintindihan sa sinabi niya. Ano bang meron? Is this some sort of their secret language or something? "Quelle?! Trouvez I'informateur, tout de suite!" Sigaw ni Alfieri na nagpaatras sa akin. Kinakabahan ko naman siyang tinignan ngunit masama lang itong nakatitig kay Tristan na para bang tinutunaw siya ng tingin. Ano ba kasing pinag uusapan nila at bigla bigla na lang sumisigaw ang cold at seryosong Alfieri? "Je lex veux vivant, tu comprends?" Dagdag pa ni Alfieri na kung may ididilim pa ang ekspresyon ay yun ang nakikita ko ngayon mula sa kaniyang mukha. "je comprends, monsieur." Sagot naman ni Tristan at doon na nga ako sumingit sa mala alien nilang pag uusap. "ano bang pinag uusapan ninyo?" "Go, Tristan." utos ni Alfieri at muling nagbow si Tristan bago bumalik ang malajoker smile nito. "Masusunod, boss." Sabi niya bago bumaling sa akin. "Aalis na ako, binibining Anderson. Ikinagagalak ko ulit na makilala ka." Sabi niya at akmang kukunin ang aking kamay nang hilahin ako ni Alfieri. "Let's eat." Hila niya sa akin paalis roon. Pagkarating sa dining area kung saan napakaraming iba't ibang putahe ang nakahanda sa mahabang mesa ay agad na naupo si Alfieri sa dulong bahagi nito at hindi na ako pinagtuunan pa ng pansin. Naupo na rin ako sa isa sa mga upuan habang pinag iisipan pang mabuti kung alin sa mga pagkaing ito ang uunahin. "Tayo lang dalawa ang kakain dito? Nasa'n yung iba?" sambit ko habang kumukuha nung sweetened ham. Tinignan ko naman si Alfieri na mukhang hindi narinig ang aking tanong. "Hin-" "Anderson," napalunok ako nang tawagin niya ako habang nakatitig pa rin sa kaniyang plato.. "b-bakit?" "Shut up!" sabi ko nga! Mabilis akong tumango sa kaniya at inilagay ang isang hiwang ham sa aking bibig. Sabi ko nga sa-shut up na lang ako! Of course, this is his house so the rules is for him to decide and I am just an abducted guest waiting for answers and all. Isn't it amazing? Matapos ang tahimik o walang imikin na pagkain ay mabilis na umalis si Alfieri sa dining area at iniwan ako roong nag iisa. Wala naman siyang ibang sinabi kundi ang labis na katahimikan bago umalis kaya naman siguro pwede akong maglibot rito. Tama! Imbis na maagnas ako sa loob ng mansyong ito kakatunganga, mas magandang lubutin na lang ang kabuuan nito. 'wag ka lang magtankang tumapak sa labas nito, panigurado babarilin ka agad ng mga bantay sa labas.' paalala ko sa sarili at tumayo na upang lumabas ng dining area. Sa'n nga pala ulit yung daan pabalik? *** Sa paglilibot sa buong mansyon ay nakarating ako sa lumang kwarto- bodega siguro ito. Maraming mga nakatambak na kung ano anong bagay at furniture sa malaki at maduming kwarto. Ang iba naman ay natatakpan ng puting kumot na ngayom ay nababalutan na rin ng mga sapot at alikabok. Sa kuryosidad ay napagtuloy ako nang pagpasok sa loob upang tignan ang mga lumang gamit, maayos naman ang pagkakalagay ng mga gamit at ng isa isa kong tinignan ang mga ito sa ilalim ng kumot ay doon ko napagtantong dati itong kwarto. Kwartong matagal nang iniwan at hinayaang mabalutan ng mga alikabok at sapot. Kung saan ang mga kagamitan ay tinakpan ng maduming kumot at ang mga salamin ay nanlabo na sa paglipas ng panahon. 'Sino kaya ang dating nakatira dito?' tanong na bumuo sa aking isipan. Sa gilid naman ng malaking cabinet ay isang pinto na hindi naging gano'n kapansin pansin dahil sa kulay nito. Inikot ko naman agad ang doorknob ng pinto at binuksan ito upang makita ang loob. Marahil ito ay isang closet o banyo... Ngunit iba ang bumungad sa akin. Isang napakalaking piano na punong puno na ng alikabok, ngunit halata pa rin ang kintab at ganda nito kung pupunasan lang mabuti ang piano. Bigla akong napangiti nang lapitan ko ito at itinaas ang takip ng mga piyesa. Pinindot ko ang isang piyesa na lumikha ng malakas at malungkot na tunog, pero muling akong napangiti- isang malungkot na ngiti na hindi ko alam kung saan nanggagaling. 'bakit nalulungkot ako?' Ipinikit ko ang aking mata bago isa isang pinindot ang piyesa ng piano hanggang sa kusang gumalaw ang aking mga kamay at tumugtog ng musikang napakapamilyar sa aking pandinig. " Ang galing! Ituro mo sa akin ang tugtog na iyan! Shayla!" Mabilis pa sa kidlat ay idinilat ko ang aking mga mata sa imaheng nabuo sa aking isipan- pigura ng isang babaeng tumutugtog sa parehong piano na nasa aking harapan. Sino siya? Bakit malabo ang kaniyang mukha? Sino si Shayla? Muli akong napaatras ng sunod sunod na imahe ang lumalabas sa aking isipan, mga senaryong parang napakapamilyar sa aking memorya. Anong bang nangyayari? "Shayla! Nandiyan na sila, aalis na ako." Shayla... Shayla... "What are you doing here?!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD