"REST."
Napasabungot ako nang maalala na naman yung isang salitang sinabi niya kanina, isang salita lang iyon pero puno ng diin at authority. Nakakainis! Ano ba ang akala niya sa akin...isang grade schooler? Nagawa niya pa akong buhatin na parang sako kanina maipasok lang ako dito sa kwarto, hindi lang ako nakalaban dahil nanghihina ang aking katawan at nananakit ang ulo ko, pero humanda siya! Sisiguraduhin kong makakatakas ako rito!
Tinignan ko lang ang kisame habang nakahiga sa kama buong maghapon. Hanggang ngayon pa rin kasi ay nag aapoy pa at nanghihina ang aking katawan dahil sa lagnat. Pero ang hindi ko talaga malaman ay bakit ako nandito... Bakit hindi niya pa ako pinapatay?
'Bakit gusto mo bang patayin ka niya?'
Marahas akong napailing sa naisip ko.
"Ayoko!" sigaw ko habang nakatitig parin sa kawalan.
"Who are you talking with?" mabilis pa sa kidlat ay napalingon ako dahilan para saglit na gumuhit ang kirot sa aking ulo.
Sa b****a ng pinto ay nakatayo si Alfieri suot ang kaniyang black suit habang magkakrus ang mga braso. Walang emosyong ipinapakita ang mukha nito kundi ang labis na kaseryosohan. Siguro, kung sa ordinaryong pagkakataon ko siya nakilala ay masasabi ko talagang napakaperpekto niyang tao. Matangkad, maputi, matangos ang ilong at may mapupungay na mga mata. Kung titignan mo rin ay napakamisteryo niya na wari bang kahit tumayo at tumitig lang siya sa harap mo ay manliliit ka na lang.
'so, sinasabi mo bang gwapo siya?' muli akong napailing sa naiisip ko na naman. 'pero naiintimidate ka sa kaniya.'
"Shut up!" sigaw ko ulit dahil kung ano ano na naman ang sumasagi sa isip ko.
"what?!" napatitig ako kay Alfieri na mas dumilim na naman ang ekspresyon.
"h-hindi ikaw." iling ko.
"Here. Wear that." lumapit si Alfieri sa akin bago iniabot ang maliit na paperbag. Kinuha ko naman iyon at nag aalinlangang nakatingin sa kaniya.
'tandaan mo, masama siyang tao!'
"bakit?..." naguguluhan kong tanong. Hindi siya umimik. Kahit ang magsalita ay di niya ginawa at bagkus ay walang emosyon lang akong tinitigan. "Bakit mo ako dinala dito? Alam mo ba na illegal a*******n ang ginawa mo at pwedeng pwede kang makasuhan? Ano ba ang kailangan mo sa akin? Kung tungkol ito sa pagpatay mo kay Mendez ay hindi ako magsasalita, just let me live!"
Hindi na ako nakapagpigil, kusa na lang lumabas sa bibig ko ang mga tanong na humihingi ng kasagutan.
"Change your clothes, Anderson." matigas niyang sabi.
"A...ayoko! Sagutin mo muna ang mga tanong ko!"
"You are in my territory. Whether you like it or not you are going to follow my orders, Anderson." bahagya akong umatras sa tono ng pananalita niya. Nakakatakot. Nakakapangbanta ang bawat salitang lumalabas sa kaniyang bibig. "Do you understand?"
Dahan dahan akong tumango at wala pang ilang segundo ay wala na siya sa loob ng aking kwarto. Napabuga na lang ako ng hangin bago tinignan yung paperbag na iniabot niya sa akin at doon ko lang napagtanto na hindi na yung black dress ang suot ko ngayon. I am wearing a white dress which is I'm sure is not mine. Maikli lang din ang sleeves nito dahilan para makita ang benda sa aking braso. T-teka! Wala akong naalalang nagpalit ako ng damit!
Napatitig naman ako sa kaharap na salamin kung saan kita ang aking repleksyon at doon na nga sumabog ang naguguluhan kong utak.
"WAAAAAAAAH!" tili ko habang sinusuntok sunto ang mga unan upang dumagdag sa effect ng aking frustration. "WAAAAAAH!"
"What the hell is your problem?!" inis kung inis ay nilingon ko ang pinanggalingan ng boses at sinalubong ang malamig na titig ni Alfieri. Tss.
"You!" nanggagalaiti kong turo sa kaniya bago tumalon mula sa kama at tumakbo sa kaniyang direksyon.
Wala akong pakielam kung bigla niya na lang akong barilin o ano, basta ang mahalaga ay mailabas ko ang inis na nararamdaman ko.
"You!" sigaw ko ulit at sinapak siya sa mukha. " D*mn p*****t!"
"yah, p*****t! Bwisit ka! Anong ginawa mo sa akin?!" pinagsusuntok ko siya sa tiyan ngunit hindi siya gumanti. Nakarinig lamang ako ng mahinang mura bago niya hinigit ang aking kamay.
"What are you talking about?!"
"Paenglish english ka pa diyan! Wag ako, uy! p*****t ka! Manyak! Manyak! Manyak!" lumipad ang isang malayang kamao ko sa kaniyang mukha ngunit mabilis niya rin itong nasalo bago ako itinulak sa malapit na dingding.
"Bitawan mo ako!"
"No. Not until you calm down." sinamaan ko siya ng tingin. Paano niya nagagawang maging kalmado parin ngunit malamig ang boses samantalang heto ako nagwawala na sa inis.
"What the hell is your problem, Anderson?" Nagngingitngit niyang tanong habang mas idinidiin ako sa dingding.
"Psh. Manyak!" Sigaw ko sa mukha niya.
"Am I? How come?"
"Sinong nagpalit ng damit ko? Hah?! Bakit hindi ko na suot yung damit na suot ko kagabi?" Nagpumiglas ako sa kaniyang hawak ngunit hindi naman niya binitiwan ang aking mga kamay.
"That's what you're mad about?" Walang gana niyang sabi. "Of course, I wouldn't change your clothes on my own. I have my maids do that." Paliwanag niya at unti unting nag sink in sa akin ang kaniyang mga sinabi.
Maids... Of course! Mayaman siya at may katulong ang bahay!
'tanga ka rin eh, no? Hindi lang yun... OA ka pa!'
"Oh." Tanging nasabi ko na lang at unti unting lumuwag ang hawak niya sa akin.
"I think you're fine now. Go change and I'll wait for you downstair." Tumango naman ako at lumabas na siya.
Muli ko namang kinuha yung paperbag sa kama at nagpunta sa banyo. Mabuti na lang talaga sabado ngayon at walang pasok, hindi rin malalaman nila Diana na nawawa- blast!
Napakagat ako sa aking labi nang maalala ang ipinangako ko kila Diana at Jackie. Sinabi ko nga palang bibili ako ng phone at magtetext sa kanila kapag nakauwi na ako sa aking condo.
'Hindi ka pa naman talaga nakakauwi kaya okay lang na hindi pa magtext, diba?' napailing ulit ako sa aking naisip at naghilamos na upang maglinis.
Kulay pink na dress ang nasa loob ng paperbag, saktong sakto lang din ito sa akin katawan at talagang disenteng tignan dahil hindi rin naman siya gano'n kaikli.
***
"Haist," sa pangatlong pagkakataon ay bumuga ako ng hangin habang napapagitnaan ng dalawang hallway— sa kanan at kaliwa.
Pang ilang beses na akong nagpapabalik balik rito at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mahanap ang daan papunta sa dining area ng napakaling mansyon na ito. Kanina pa rin kumukulo ang aking tiyan sa gutom at pakiramdam ko ay maya maya lang makakain ko na ang taong unang makakasalubong ko... Kung meron man.
Maliban sa napakadaming bodyguards sa labas ay wala ng katao tao dito sa loob. Wala rin akong makitang katulong o butler lang man na mahihingan ng direksyon. Ano ba kasi ito?... Dapat ko na bang tawagin si Dora the Explorer at hiramin ang kaniyang map? O dapat ay si Doraemon na lang at manghiram ng teleporter?
"haist," buntong hininga ko ulit at napagdesisyunang bumalik sa sala nito upang magbakasakali.
Siguro pwedeng tanungin ko na lang ang mga bantay sa labas para malaman yung daan sa dining area, at yun ay kung hindi nila ako babarilin kapg lumapit ako sa kanila. Pagkarating sa sala ay napatigil naman ako sa paglalakad nang makasalubong ang isang lalaking nakasuot rin ng black and white suit. Matangkad ito, maputi, mukhang matipuno ang pangangatawan... At kalbo.