Dalawang araw na ang nakalilipas simula nung insidente mula kay tanda. Nagawa ko namang takpan ang pasa sa aking labi gamit ang concealer at nagawa ko ring mag isip ng alibi para paniwalaan nila Jackie. Si Diana naman ay hindi ko na kwinestiyon, umaakto naman siyang normal sa harap ko kaya sa ngayon ay gano'n na lang din ang gagawin ko hanggang sa malaman ko ang katotohanan. Dalawang araw na rin ang nakalilipas simula ng yakapin ako ni Alfieri sa kagubatan at hanggang ngayon ay parang ramdam na ramdam ko pa rin ang kaniyang yakap. Para bang napakasariwa pa rin ng mga nangyari- yung gabing ramdam na ramdam ko ang malakas na t***k ng aking puso at mahigpit niyang yakap na nagpapawala ng sakit ng aking katawan. "Hoy! Amber to earth!" nabalik ako sa ulirat ng may kamay na kumakaway sa aking h

