Sa sobrang kahihiyan ay hindi ako tumigil hanggang sa makarating ako ng rooftoop at malanghap ang medyo malamig na simoy ng hangin na pumapagaspas sa aking namumulang mukha. Shucks! Nakakahiya talaga yung ginawa ng Lance na iyon! "a-am...ber... Ang... Bi-bilis mong tu...tumakbo!" Lumingon ako sa aking likuran at nakita si Jackie na basa dalawang tuhod ang kamay at hingal na hingal pa. Kasunod niya namang dumating si Diana na nagkibit balikat lang bago naupo sa sahig ng rooftop. "Let's eat." sabi niya at tumango naman ako bago naupo sa kaniyang tabi, ganun din ang ginawa ni Jackie na medyo nakarecover na sa pagtakbo. "Kailangan ko na yata mag excercise! Hoo! Grabe, hiningal talaga ako ng sobra!" "Hahaha, napaghahalataang tamad sa bahay. Siguro palagi kang nakaupo at kumakain sa inyo, no

