Nagalit ata yung kalaban sa pagsigaw kong 'duwag' sila dahil hindi sila tumigil sa pagbaril sa bawat kotseng tatakbuhan at pagtataguan namin. Nanginginig naman akong nagtago sa malaking harang na pader habang iniisip na ang nalalapit kong kamatayan. "Anong gagawin natin?!" Panic kong tanong kay Lance. Hindi naman siya nagsalita bagkus ay hindi ako nito pinansin bago mabilis na lumipat sa kabilang pader, at ang mas nakakainis pa ay iniwan niya akong mag isa rito. "Lance..." Naluluha at kinakabahan kong tawag sa kaniya. "Diyan ka lang! Ako ang bahala rito!" Sigaw niya bago tumakbo pabalik sa harapan ng aking kotse. Nakita ko namang kinuha niya ang nahulog niyang bag roon bago mabilis na nagtago sa likod ng aking kotse ng muli siyang paputukan. Ilang mura ang aking isinambit ng mga oras n

